Devon Seron dismisses rumor her Korean leading men are falling for her

IMAGE Noel Orsal

Devon Seron is enjoying the affection of Korean actors Jin Ju-Hyung and Hyun Woo, and tongues are wagging. The Star Magic actress, however, says they are just naturally attentive, "Parang yung kinalakihan po nila ganun... Ganun po talaga yung kinaugalian nila."


Ikinatutuwa man ni Devon Seron ang pagiging maasikaso sa kanya ng dalawang Korean actors na sina Jin Ju-Hyung at Hyun Woo, ayaw raw niyang mag-assume ng kung anu-ano pa.

Leading men ni Devon ang dalawa sa international movie na You With Me, at may usap-usapan na tila may kahulugan ang pinapakitang kabaitan ng mga ito kay Devon.

Love at first sight nga raw ang isa sa kanila at yung isa naman ay unti-unti na ring nagkakagusto kay Devon.

Sabi naman ng Star Magic artist, “Ako po, sa tagal ko na rin sa showbiz, hindi po talaga ako ma-assume.

“Natatakot din ako, so kung mayroon ngang ganun, sana masabi sa akin ng direkta.

“Kasi sa sobra po nilang maalaga, parang yung kinalakihan po nila ganun.

“Parang kung iisipin mo, mag-a-assume ka talaga, pero hindi po talaga.

“Ganun po talaga yung kinaugalian nila… sa ngayon po, getting to know each other muna kaming tatlo.”

Na-attract ba naman siya sa kanyang dalawang leading men?

Tugon niya, “Ay, siyempre, napakasuwerte kung sino man yung magiging girlfriend o mapapangasawa ng mga taong ito.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Devon sa grand presscon ng You With Me na ginanap nitong Biyernes, September 22, sa Seda Vertis North Hotel sa Quezon City.

Tanging si Ju-Hyung lang ang nakasama ni Devon sa presscon, habang si Hyun Woo ay sa premiere night sa September 26 na raw makakadalo.

Ipalalabas ang pelikula sa mga sinehan nationwide simula sa September 27.
 
LOVE TRIANGLE? Anong qualities ang nagustuhan ni Devon sa dalawang leading men niya?

“Si Ju-Hyung po, nakakausap ko siya ng seryosohan.

“Nakakapag-communicate kami nang maayos, nag-i-English po siya.

“Nakakapag-open up ako sa kanya ng mga personal problems, siyempre siya rin sa akin.

“Si Hyun Woo naman po, masayahin po siyang tao, joker din.

“Maalaga rin po siya katulad ni Ju-Hyung.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

So, may advantage si Ju-Hyung dahil marunong itong mag-English?

“To be honest, opo, kasi iba talaga yung nakakapag-usap kayo.

“Pero silang dalawa, may mga advantages talaga sila na hinahanap ng mga babae.

“Iniisip ko na sana nag-join na lang silang dalawa sa isang katawan, parang ganun.”

May love triangle ang mga karakter na ginagampanan nilang tatlo sa You With Me.

Mauuwi kaya ito sa totoong buhay?

“Hindi ko alam,” sambit ni Devon, “Siguro yung chemistry naming tatlo talagang nabuo nung magkakasama kami.

“Yung friendship namin nandoon talaga… pag magkakasama kami, nagbibiruan kaming tatlo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN