Xian Lim in a healthy competition with Kim Chiu

IMAGE Nerisa Almo

Xian Lim teased Kim Chiu when his latest single "Getting To Know Each Other Too Well" beat "Okay Na Ako" in a radio hit list.


Siniguro ni Xian na walang anumang kumpetisyon sa pagitan nila ni Kim Chiu kahit halos sabay silang maglalabas ng bagong music album.

Halos isang linggo lang kasi ang pagitan ng pagre-release ng kanilang bagong music album.

Opisyal na na-launch ang third album ni Xian na Key of X kahapon, September 22. Magkakaroon naman ng concert si Kim para sa launch ng kanyang album sa SM North EDSA Skydome sa Huwebes, September 28.

Sa halip na maging magkakumpetisyon, napapaisip pa raw sila na sabay mag-promote ng kani-kanilang album.

“Napag-uusapan namin,” ani Xian.

“Recently nga, nag-tweet ako, sabi ko, 'Kim, thank you, pahiram muna ng number one spot sa MOR [101.9 radio station].'

“Napag-uusapan namin defintely, pinag-uusapan namin, 'Kumusta diyan?'

“I think yung mga bagay na yun, masaya. May mga learning din, 'O, ano yung ginawa mo? Kumusta yung show?' We always have that.”

Biro pa niya tungkol sa pagiging number one sa radio hit list, “Okey lang, paminsan-minsan ako naman yung number one.”

ON HUGOT SONGS. Samantala, sa five-track album ni Xian, may dalawang ballad songs na tila patungkol sa pagiging heartbroken, ang 1997 hit song ni Jaya na “Wala Na Bang Pag-ibig” at original song na “Manhid.”

Agad niyang nilinaw na wala itong anumang koneksyon sa kanyang personal na buhay.

“Para sa akin, mahilig ako sa hugot songs maski wala namang akong pinagdadaanan.

“The more happier I am, mas kumakanta ako ng mas malulungkot na kanta and mas nakakapag-isip ako ng hugot lines,” ani Xian.

Hindi rin daw dapat ito bigyan ng kulay patungkol sa relasyon nila ngayon ni Kim.

“Again, as I said, yung hugot really doesn't have to do anything with me.

“Kumbaga, yung mga kanta, doon ko lang siya nailalabas, halimbawa, kapag masaya.

Even happy songs, wala, wala talaga siyang relevance sa [amin ni Kim].”

A post shared by PEPalerts (@pepalerts) on

Isang patunay na walang problema sa kanila ngayon ng kanyang onscreen partner ang bagong video blog ni Xian, kung saan makikitang kasama niya si Kim sa isang adventure sa Subic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As you guys know, si Kim mahilig siyang sa adventures, mayroon nga siyang pa-hashtag na #advenCHIUres, which means a lot to her kapag may ganitong mga trips or adventures,” sabi ni Xian.


Nang tanungin kung muli na silang magkakasama ni Kim sa isang proyekto, sabi ni Xian, hindi pa niya alam kung sino ang makakasama niya sa susunod niyang TV project.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN