Why Bela Padilla thinks ex-boyfriend Neil Arce deserves to sit with her at Last Night presscon

IMAGE Noel Orsal

"He deserves the seat. He's one person who conceptualized the movie with me," Bela Padilla said when asked why her ex-boyfriend Neil Arce was sitting with her at the Last Night press conference.


Marami ang napapahanga ni Bela Padilla. Dahil bukod sa pagiging aktres, heto’t isang talento pa niya ang kanyang naipakita, ang pagsusulat.

Full-length screenplay ni Bela ang bagong pelikula ng Star Cinema, ang Last Night na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga. Pero nang tanungin sa kung ano ang mas love na niya, ang pag-arte o pagsusulat, iba ang sinagot niya.

“Feeling ko, mas in love po ako sa reading, kasi mahilig po akong magbasa. Parehas na magulang ko, mahilig magbasa. So noong bata po kami, in-encourage po kami na imbes na laruan, libro.

“So kapag laruan, may limit. One toy a month siguro. Parang kapag may ginawa ka lang na maganda. Kapag libro, buy all you can. Nasanay po ako na libro ang binibili.

“I think, doon nag-umpisa ang imagination ko dahil sa book.  Yung acting kasi I guess, yung iniintindi mo lang yung character mo. Wala kang masyadong pakialam sa... or hindi mo masyadong kailangang pakialaman ang character ng iba sa set.

“I guess if you’re a writer, kailangan lahat buo ang character sa utak mo or nag-uusap-usap na sila sa utak mo para mag-work or maging full.”

 

BELA’S “MOTHER.” Masaya si Bela na katrabaho niyang muli si Direk Joyce Bernal na sa pagkakataong ito, pareho silang nasa creative side.

Sabi nga niya, “It’s always a pleasure. I trust her completely and kahit ayaw niya, kinu-consider ko siyang nanay ko sa showbiz. I think, hindi pa niya tanggap yun.

“She’s my mentor.”

Masuwerte ang pakiramdam ni Bela na kahit hindi raw siya masyadong naka-attend ng mga pre-production meeting para sa Last Night, nakita niyang hindi raw masyadong ginalaw o binago ang orihinal na sinulat niya.

Sa ngayon, si Bela ay puwedeng tawaging actress/writer. Pero dahil plano rin niyang pasukin ang pagdidirek, posibleng madagdag sa tawag sa kanya ang “director.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 

SITTING WITH NEIL ARCE. Bihirang pagkakataon din na ang ex-boyfriend ni Bela na si Neil Arce ay maupo sa presscon proper katulad nga nang humarap ito sa entertainment press noong grand presscon ng Last Night sa 9501 Restaurant noong September 21.

Ayon kay Neil nang matanong ito sa magandang relasyon pa rin nilang dalawa kahit may Angel Locsin na siya, sinabi ni Neil na wala naman daw kasi silang ginawang masama sa isa’t isa at hindi na sila mga 18-year-old pa para magsulat sa pader ng masasama sa isa’t isa.

“Tama naman po lahat ng sinabi niya,” pagsang-ayon naman ni Bela.

“And you asked why he’s sitting here, he deserves the seat. He’s one person who conceptualized the movie with me.  So, he deserves a seat here.

“And while I’m writing it, I guess kung sa acting, siya ang kabatuhan ko ng mga ideas.  So, hindi ko rin naman siya masusulat nang ganito kung hindi rin dahil kay Neil.  So, yun po.”

 

NO TO SUICIDE. Kahit na si Bela ang nagsulat ng script, sa totoong buhay, hindi raw niya naisip man lang sa kahit na malungkot na bahagi ng buhay niya ang magpakamatay.

Aniya, “Hindi pa. Ang laki ng takot ko sa nanay ko at saka takot ko sa Diyos.  Parang mai-imagine mo ang iiwan mong grief kapag nagpakamatay ka. Medyo malala.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN