Iconic kundiman singer Ric Manrique Jr. passes away at 76

IMAGE Ronald T. Manrique Jr.

Iconic kundiman singer Ric Manrique Jr. passed away last September 22, 2017 in Buena Park, California, due to heart attack and diabetes complications. He was 76.


Nagluluksa ang Philippine music industry sa pagpanaw ni Ric Manrique Jr., isang iconic Filipino singer na kilala bilang Hari ng Kundiman.

Sumakabilang-buhay siya noong Biyernes, September 22, 2017, 3:23 PM Pacific time sa Buena Park, California, USA, dahil sa heart attack at diabetes complications.

Siya ay 76 anyos.

Sa pamamagitan ng Facebook messenger, ito ay kinumpirma sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ng pamangkin at inaanak niyang si Maritess Manuel Villarta na nasa Amerika rin.

Eighteen years na ang nakaraan mula noong nag-migrate ang buong pamilya ni Mang Ric sa California.

May naiwan ang batikang singer na asawa, apat na anak (isa na nga si Richie), at ilang mga apo, na lahat ay naninirahan na sa Amerika.

May dalawa pang kapatid na babae si Mang Ric.

Ang isa ay naninirahan sa Chicago at ang isa naman ay sa Florida.

Si Ricardo "Ric" Manrique, Jr. ay Filipino kundiman singer.

Tinuturing siya at si Ruben Tagalog bilang dalawang Hari ng Kundiman sa Pilipinas.

Si Mang Ric ay naging miyembro ng Mabuhay Singers noong 1950s.

Sadyang napakarami niyang naging hits at classic songs na mananatiling buhay sa alaala ng sambayanang Pilipino sa loob ng maraming dekada.

Ilan sa mga klasikong Tagalog songs na inawit niya ay “Bituing Marikit,” “Saan Ka Man Naroroon,” “Dahil Sa Isang Bulaklak,” at “Sapagkat Kami Ay Tao Lamang.”

Ang iba pa niyang mga unforgettable hits ay “Maalaala Mo Kaya,” “Magbalik Ka Lamang,” “Mahiwaga,” “Inday Ng Buhay Ko,” at marami pang iba.

For many decades, ang mga ito ay nagkaroon ng iba't ibang bersyon mula sa iba't ibang singers, at ginamit din bilang theme songs ng maraming pelikula, TV shows, teleserye, at iba pa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN