Toni Gonzaga on Piolo Pascual: "Iba ang impact ni PJ sa buhay ko."

IMAGE Mark Atienza

Toni Gonzaga openly acknowledges Piolo Pascual's major impact on her life: "I think si PJ kasi, parang iba ang connection ko sa kanya. Iba, e. Iba ang impact niya sa buhay ko. I will always be thankful and grateful na nakilala ko siya at nagkasama kami."

 


Kahit noon pa man, madalas aminin ni Toni Gonzaga kung gaano kalaki ang naging bahagi ni Piolo Pascual pagdating sa kung ano ang meron siya ngayon.

Nagsimula ang lahat sa softdrink commercial nilang dalawa na hanggang ngayon ay itinuturing ni Toni na naging daan para makilala siya at tuluyang sumikat.

Ayon kay Toni, “I think si PJ kasi, parang iba ang connection ko sa kanya.

“Iba, e. Iba ang impact niya sa buhay ko.

“Parang nagsimula ako, yung big break ko talaga, yung sumigaw ako ng, 'I love you, Piolo!'

“Noong nagsisimula ako, ang pangalan ko, 'I love you, Piolo!' hanggang sa malaman nilang siya pala si Toni.

“Iba ang impact ni PJ sa buhay ko.

“I will always be thankful and grateful na nakilala ko siya at nagkasama kami.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Toni sa ginanap na presscon ng pelikulang Last Night sa 9501 Restaurant noong September 21.

NEW MOVIE. Isang teleserye sana ang pagsasamahan nila pagkatapos ng pelikula nilang Starting Over Again may tatlong taon na ang nakararaan.

Madalas sabihin ni Piolo noon na si Toni pa rin ang gusto niyang makapareha sa teleserye kahit naudlot na ang pagsasama nila sa Written In Our Stars.

Kumbaga, hinintay pa rin talaga siya ni Piolo.

Yun nga lang, hindi na sa telebisyon ang naging pagsasama nila, kundi sa pelikula pa rin.

Magkapareha sila muli ngayon sa pelikulang Last Night, na isinulat ni Bela Padilla at dinirek ni Joyce Bernal.

Lahad ni Toni, “Para sa akin, si PJ, mahal ko na siya ngayon.

“Dati, admiration.

"Ngayon, as a co-worker ha, mas minahal ko siya ngayon after this project.

“Kasi, nakita ko sa mata niya, nag-iba ang passion niya.

“Pagmamahal niya sa trabaho, pagmamahal niya sa kapwa katrabaho niya...

“Everybody, pantay-pantay ang tingin ni PJ.

“So after this project, masasabi kong mas mahal ko si PJ ngayon bilang katrabaho talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN