Kris Aquino hits back at basher for calling her son "gay"

IMAGE Noel Orsal

TV host-actress Kris Aquino calls out a netizen for name-calling her youngest son. She says, "I have no issue w/ sexual preference BUT i do have an issue w/ you deciding for my son."


Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang pangba-bash ng isang netizen sa kanyang bunsong anak.

Sa comments section sa Instagram post ng TV host-actress, tinawag ng basher (@natalieeeee01) na “gay” ang 10-taong-gulang na anak ni Kris sa dating asawang si James Yap.

Buwelta naman ni Kris: “I have no issue w/ sexual preference BUT i do have an issue w/ you deciding for my son. If you have prejudices please express it elsewhere.” 


Nagkomento rin sa thread na ito ang Kapamilya comedienne na si Pokwang, na ngayon ay naka-break sa showbiz dahil nagdadalantao.

Banat ni Pokwang sa basher ni Kris: “bastos! mas gugustuhin ko maging bakla anak ko kesa katulad mo bastos!”


Pinasalamatan naman ni Kris si Pokwang, at sinabing bilang mga ina, naaapektuhan talaga sila kapag idinadamay ang kanilang mga anak.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN