Diego Loyzaga laughs off rumored breakup with Sofia Andres

IMAGE Noel Orsal

Diego Loyzaga on rumored breakup with Sofia Andres: "Kami-kami pa rin ang magkakasama araw-araw, kaya paano pa malalaman ng ibang tao yung mayroon sa aming dalawa, e, kami lang naman ang magkakasama?"


Sa kabila ng usap-usapang break na sina Diego Loyzaga at Sofia Andres, sila pa rin ang magka-date sa Star Magic Ball 2017.

Gaganapin ang annual event na ito ng Star Magic artists sa Shangri-La Makati ngayong Sabado, September 30.

Paniniguro pa ni Diego, “Of course, si Sofia, sino pa ba?”

Ipinagkibit-balikat naman ng 22-year-old Kapamilya actor ang hindi pa rin mamatay-matay na isyung hiwalay na sila ni Sofia.

Pahayag niya, “Mga rumors lang naman yun, actually hanggang ngayon natatawa pa rin kami sa mga naririnig namin.

“Kami-kami pa rin ang magkakasama araw-araw, kaya paano pa malalaman ng ibang tao yung mayroon sa aming dalawa, e, kami lang naman ang magkakasama?”

Pinabulaanan din ni Diego ang balitang nakita siyang nanood ng sine sa isang mall na kasama ang ibang babae.

“Ako? No, I don’t think so. I don’t think it’s true.

“I don’t even think it’s a real article, it’s a fake article. Parang gawa-gawa lang.

“Minsan sasabihin ko kay Sofia, “Tingnan mo, may ganitong article.’

“Sabihin niya, ‘Huwag mo na lang pansinin ‘yan.’”

Ayon pa sa binatang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga, “Hindi ako lumalabas, kasi M-W-F, nasa taping ako.

“Same with Sofia, we’re taping and shooting the same movie, so para mangyari yun… so impossible.”

Magkasama sina Diego at Sofia sa ABS-CBN afternoon drama series na Pusong Ligaw at sa pelikulang Bloody Crayons.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Diego sa studio ng ASAP noong Linggo, September 24.

HANDLING BASHERS. Kamakailan ay nakipagsagutan si Sofia sa isang basher dahil sa komento nitong hindi niya gusto ang 19-anyos na aktres bilang kapareha ni Diego, bukod sa papansin daw ito at mali-mali ang grammar.

Pinayuhan naman daw ni Diego ang kasintahan na hangga’t maaari'y huwag nang pansinin ang bashers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ng binata, “Kahit naman ako, I had my moments na sa nakikita ko sa social media, may mga times na gusto kong sumagot at napapasagot ako.

“Wala akong karapatan na magsabi na, ‘Hey, don’t...’ because it also happened to me.

“Nagawa ko na rin dati yun.

“Ang sabi ko lang, ‘Alam kong naaapektuhan ka, pero try not to let it go to your head.’

“It’s useless, huwag na lang basahin.

“Bakit kailangan mong malaman ang opinyon ng iba, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN