Manny Pacquiao admits posting comments on 22-year-old's IG live video: "Wala namang malisya dun."

IMAGE Instagram (@mannypacquiao @arzaylea)

Manny Pacquiao admits posting comments on Instagram live video of 22-year-old social media sensation Arzaylea Rodriguez.


Kinumpirma ni Senator Manny Pacquiao na siya nga ang nag-post ng mensahe sa Instagram live stream ng social media sensation na si Arzaylea Rodriguez.

Si Arzaylea, 22, ay nakatira sa US at sinasabing kaibigan ng American reality TV star na si Kylie Jenner.

Bukod sa pagiging social media sensation, nakilala rin si Arzaylea dahil sa pagkaka-link niya kay Luke Hemmings, miyembro ng Australian rock band na 5 Seconds of Summer o 5SOS.

Naging viral sa Internet ang screen shots ng pagmi-message ni Pacquiao kay Arzaylea habang ongoing ang Instagram live session ng dalaga nitong weekend.

Ilan sa mga mensaheng ipinadala ng 38-year-old Filipino athlete-politician ay “Hello!” at “Where are you from?”



Dahil dito, agad nag-react ang ilang netizens at binigyan ng malisya ang mga mensahe ni Pacquiao, na may asawa at limang anak.

THE REAL STORY. Sa panayam ng reporters kay Pacquiao sa Senado ngayong Miyerkules, September 27, inamin niyang siya nga ang nag-post ng mensahe sa IG live stream ni Arzaylea.

“Ako ‘yan, ako ‘yan,” sabi ng senador.

Pagkatapos nito ay nilinaw niya kung ano ang nangyari.

“Ito yun, nakakatawa, kasi pag open ng Instagram ko, may nakita ako 'live.'

"Pinindot ko, mag-appear ka kasi dun pag panoorin mo siya sa live niya.

"Mag-appear ka na lang, ‘Many Pacquiao has joined your live,’” pagtukoy ni Pacquiao sa panonood niya sa IG live session ni Arzaylea.

Napansin daw ito ni Arzaylea.

“So, sabi niya, ‘Oh, Manny Pacquiao,’ ganyan, ‘hello!’

"So, nag-hello ako, and then...

"Sana hindi na-erase yung video para maliwanagan sila," pagtukoy ng senador mula sa General Santos City sa mga nagbibigay-malisya sa pagmi-message niya.

Nabubura ang Instagram Live videos pagkatapos ng 24 oras.

Patuloy ni Pacquiao, “Tapos tinatanong niya ako, ‘Nasa Pilipinas ka ba? Are you in the Philippines?’

"Sabi ko, ‘Where you from?’ Yun lang.'"

Iginiit din ng senador na “walang malisya” ang pagmi-message niya kay Arzaylea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat naman, puwedeng makipag-usap sa ‘kin live. Wala namang malisya dun.

“Di ba, yun nga lang yun? Tingnan mo, ganun lang.

"Pagkatapos nun, wala na, yun lang," pahayag ng Pambansang Kamao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN