Joshua Garcia affirms respect and admiration for embattled idol John Lloyd Cruz

IMAGE Facebook

Joshua Garcia is a staunch of supporter of John Lloyd Cruz. "Ano ba naman ang masama sa ginagawa niya? Ako, kay Kuya John Lloyd… Naniniwala ako sa kasabihan na pag naging safe ka sa mga choices mo, di ka maggo-grow as a person, as an actor. Napapasaya niya pa rin ang mga tao, mga fans, wala namang mali sa ginawa niya," he says in defense of his embattled idol.


Madalas ihambing ang sumisikat na aktor na si Joshua Garcia, 19, kay John Lloyd Cruz, 34.

Sinasabing bukod sa malaki ang pagkakahawig nila, nagkakapareho rin ang kanilang acting style.

Laman ng mga balita ngayon si John Lloyd dahil sa kumalat niyang videos na tila lasing, sumasayaw, kumakanta, at nag-dirty finger pa na kuha sa isang bakasyon sa Bantayan Island, Cebu, kasama ang nali-link sa kanyang si Ellen Adarna.

Patuloy pa rin ang pagiging maingay ng pangalan ng dramatic actor dahil sa kanyang mga kontrobersiyal na social media posts, gayundin ang palaisipan kung magkarelasyon na nga ba sila ni Ellen.

Ayon kay Joshua, mataas ang respeto at paghanga niya kay John Lloyd, at hindi ito magbabago sa kabila ng kung anumang pinagdadaanan ngayon ng nakatatandang aktor.

Pahayag ng The Good Son actor, “Hindi, John Lloyd is John Lloyd.

"Ganito kalupit yung pagka-idol ko sa kanya, kahiit ganun yung pinagdaanan niya.

“Dun mo masusukat kung gaano mo ka-idol ang isang tao, kahit yung mga masasamang nangyayari sa kanya, respetado ko pa rin siya.

“Yung respeto ko, nandun pa rin para sa kanya, sinasamba ko rin siya talaga. Magaling siya, e.”

Pagtatanggol pa ni Joshua kay John Lloyd, “Ano ba naman ang masama sa ginagawa niya?

“Actually, ang mali dun ay yung video, hindi dapat vinideo yung ganun, kasi privacy niya yun, dapat di ganun.

“Ako, kay Kuya John Lloyd, normal lang yun, wala namang masama sa ginagawa niya.

“Saka naniniwala ako sa kasabihan na pag naging safe ka sa mga choices mo, di ka maggu-grow as a person, as an actor.

“Kahit naman magganun siya, napapasaya niya pa rin ang mga tao, mga fans, wala namang mali sa ginawa niya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Joshua sa backstage ng ASAP, noong Lingo, September 24.

ON DANIEL PADILLA. Isa si Joshua sa itinuturing na mahusay na aktor sa kasalukuyang henerasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi maiiwasang ipagkumpara sila ng kapwa niya ABS-CBN at Star Magic talent na si Daniel Padilla.

Reaksiyon dito ni Joshua, “Siyempre happy kasi nare-recognize nila ako bilang isang aktor at very thankful sa mga blessings na dumarating sa akin.
   
“Mas magaling si DJ sa akin, mas matagal na siya sa industriya at hindi ko mapapantayan yung galing niya.

“Ako, gagawin ko lang kung ano ang trabaho ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN