Jericho Rosales defends John Lloyd Cruz: "Nagkakamali din naman kaming lahat."

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales (left) defends fellow Star Magic artist John Lloyd Cruz (right) who was recently involved in a string of controversies following his viral videos and social media posts.


Ipinagtanggol ni Jericho Rosales ang kapwa aktor na si John Lloyd Cruz mula sa mga kontrobersiyang pinagdadaanan ng huli.

Lumikha ng ingay si John Lloyd nitong Setyembre nang maging viral ang kanyang videos na tila lasing, sumasayaw, kumakanta, at nag-dirty finger pa na kuha sa isang bakasyon sa Bantayan Island, Cebu, kasama ang nali-link sa kanyang si Ellen Adarna.

Patuloy pa rin ang pagiging maingay ng pangalan ng dramatic actor dahil sa kanyang mga kontrobersiyal na social media posts, gayundin ang palaisipan kung magkarelasyon na nga ba sila ni Ellen, isang artistang malayo pa sa stature ng aktor.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted cozy in Cebu
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna spotted cozy in Cebu
John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
John Lloyd Cruz breaks silence over viral videos
John Lloyd on viral videos:
John Lloyd on viral videos: "I've learned so much from this."
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna post vacation photos anew
John Lloyd Cruz, Ellen Adarna post vacation photos anew

“People make mistakes, people get pressured, and may mga buhay tayo, di ba?” simula ni Jericho nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press, Miyerkules ng gabi, Setyembre 27.

Dugtong niya, “Siguro, siyempre, ang mga tao may image para kay John Lloyd, pero who's to say kahit isa sa amin hindi nagkakamali?

“Nagkakamali din naman kaming lahat.”

Sina John Lloyd at Jericho ay parehong talents ng Star Magic, ang talent arm ng ABS-CBN.

Maituturing na dalawa sa mga pinakasikat at mga institusyon ng Star Magic sina John Lloyd at Jericho.

Naniniwala naman si Echo, 38, na makakabangon si John Lloyd, 34, mula sa isyu.

“It may be a difficult season for him right now, but I know he's gonna rise above that.

“I'm sure everyone will learn from this.

“He will learn from whatever.

“Alam ko John Lloyd is a good person. He invites me to his birthday parties.

“I cannot judge one person because of one thing that happened.

“It's not the end of his life, his career, whatever.

“This is just a season, okay?”

Hindi itinanggi ni Jericho na kahit mga kapwa niya artista ay may opinyon sa pinagdadaanan ni John Lloyd, pero hindi raw dapat husgahan ang isang tao dahil sa isang pagkakamali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Let's just be honest, sarap pag-usapan nito, di ba, sarap panoorin?

“And even kaming mga artista, may reaction diyan.

“But if you actually sit down, at the end of the day, come on, man! Lahat naman tayo nagkakamali.

“And I've had my share when I was younger, but now, mas may wisdom ako, I'm a better person because of that.”

Nakausap ng entertainment reporters si Jericho sa media announcement ng kanyang upcoming Kapamilya primetime series na Love Will Lead You Back, kung saan makakasama niya sina Sam Milby, Yen Santos, at Yam Concepcion.

Naganap ang press conference sa ELJCC Building sa Quezon City.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN