Jericho Rosales excited to see ex-girlfriend Kristine Hermosa again

IMAGE Noel Orsal

Jericho Rosales (left) is looking forward to reuniting with former leading lady and ex-girlfriend Kristine Hermosa. The two will be attending the Star Magic Ball this year and will work together briefly for a photo shoot. (Right photo) Kristine and Jericho at the 2009 Star Magic Ball. 


Kinumpirma ni Jericho Rosales na magkikita at magkakatrabaho silang muli ng ex-girlfriend niyang si Kristine Hermosa.

“Magkikita kami bukas, before the Ball. May photo shoot kami. It’s for the Star Magic catalogue,” banggit ni Jericho.

Sinabi ito ng 38-year-old actor sa announcement ng kanyang upcoming ABS-CBN primetime series na Love Will Lead You Back, na ginanap sa ABS-CBN compound, kagabi, September 28.

Maituturing na isa sa pinakasikat na love team noong early 2000 ang tambalang Kristine-Jericho.

Pinagbidahan nila ang mga sumusunod na teleserye sa ABS-CBN na ipinalabas din sa ibang bansa: Pangako Sa ’Yo (2000-2002), Sana’y Wala Nang Wakas (2003-2004), at Dahil May Isang Ikaw (2009).

Ginawa rin nila ang blockbuster hit movie na Forevermore noong 2002.

STAR MAGIC BALL. Kumpirmado ring dadalo sina Jericho at Kristine sa Star Magic Ball 2017, na gaganapin sa Makati Shangri-La, sa Sabado, September 30.

Ano kaya ang posible nilang pag-uusapan kapag nagkita sila?

Tugon ni Jericho, “I don’t know. Hindi ko alam.

"It’s been a while. Antagal naming hindi nagkita.

“Alam mo, tapos na yung mga panahon ng intriga. May buhay na kaming pareho.

“But, I’m really excited to see Kristine because it’s been awhile, and I heard that she has kids now.” 

Si Kristine ay ikinasal kay Oyo Sotto noong 2011. Mayroon na silang apat na anak.

Si Jericho naman ay ikinasal sa fashion blogger at host na si Kim Jones noong May 1, 2014. Wala pa silang anak.

Sabi pa ni Jericho tungkol sa pagkikita nila ni Kristine, “I can’t wait to hear the stories, yung mga anak niya, like, yung marriage niya, yung life nila ni Oyo.

“Whether magkakuwentuhan kami o hindi, all I wanna say is that I’m really, really happy for her.

“I’m glad that after many, many years, magkakatrabaho kami kahit sandali lang, di ba?

“And I’m sure that our fans will be so happy na magkakasama kami, so masaya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Handa ba siyang muling makatrabaho si Kristine sa isang acting project?

“Okay ako, kahit sino. Walang problema,” mabilis na sagot ng Kapamilya actor.

Samantala, makakasama ni Jericho sa Love Will Lead You Back sina Sam Milby, Yam Concepcion, at Yen Santos.

Tatalakayin ng teleserye ang buhay may-asawa at infidelity o pagtataksil.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN