Aiko Melendez opens up about reconciliation with Ara Mina; says it was "perfect timing"

IMAGE Ara Mina Instagram / Ogie Diaz Facebook

Aiko Melendez relates accidental meeting with Ara Mina in a wake, which led to their reconciliation. "Dati, ang daming taong gustong mag-mediate sa amin na magbati kami. Parang feeling ko, ayoko pong didiktahan ako. Kasi siyempre, may emotions, may controversy na involved at that time. So, I think that was the best time. In God's time," says Aiko about their meeting.


Ayon kay Aiko Melendez, perfect timing ang pagkikita nila ni Ara Mina sa isang burol noong nakaraang linggo upang ibaon na rin sa limot ang kanilang naging hidwaan.

Matatandaang nag-umpisa ang alitan ng dating magkaibigan nang maging boyfriend ni Ara si Jomari Yllana, ang dating asawa ni Aiko.

Minsan pang naakusahan si Ara na isang "homewrecker," o dahilan ng paghihiwalay nina Aiko at Jomari.

Noong 2011 naman ay muling nasangkot ang dalawa sa isang alitan nang maging boyfriend ni Ara ang Bulacan Mayor na si Patrick Meneses, na naging boyfriend din ni Aiko.

Hindi naging maganda ang hiwalayan nila Aiko at Patrick, na nauwi pa sa pagsasampa ni Patrick ng kasong libelo laban sa aktres.

Subalit sa tuwing mai-interview sina Aiko at Ara, pareho nilang sinasabi na bukas sila sa pakikipag-ayos sa isa't isa.

Pagkalipas ng maraming taon, naganap na nga ang pag-aayos ng dalawa.

Hindi sinasadyang nagkita sina Aiko, 41, at Ara, 38, sa burol ng ama ng entertainment reporter na si Rommel Placente noong September 23.


Stories We Are Tracking

Ara Mina, Aiko Melendez end longtime rift
Ara Mina, Aiko Melendez end longtime rift

PERFECT TIMING. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Aiko sa presscon ng bagong pelikula niyang Balatkayo, na ginanap sa Salu Restaurant, kahapon, September 28, sinabi nitong hangga’t maaari ay ayaw niyang pag-usapan ang pagbabati nila ni Ara.

Rason ng aktres, “Ayoko naman na siya ang magiging sentro ng usapan ng pelikula namin, di ba?”

Ngunit kalaunan, ibinahagi ni Aiko na naramdaman niyang dumating na ang tamang panahon upang magkaayos sila ni Ara nang magkita sila sa burol noong gabing iyon.

Saad ng Wildflower actress, “Siguro what I can share lang is, sa hinaba-haba ng panahon, okay yung timing, kasi okay na kami.

“Siguro, in God’s perfect time lang talaga yung nangyari.

“Ang ganda ng timing ko, sa patay po kami nagkita, pero may nabuhay na ano,” pagtukoy niya sa panunumbalik ng pagkakaibigan nila ni Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy na kuwento ni Aiko, “Kasi, when I saw her sa wake, she stood up, sabi niya, ‘Hi.’

“Tapos, she was left alone in the bench, wala siyang kausap.

“I approached her, sabi ko, ‘Uy, kumusta ka na?’

“E, medyo nagkakahiyaan pa, sabi ko, ‘Tama na, okay na tayo, okay na yun.’

“Tapos, I hugged her. Tapos, sabi ko, ‘Okay na tayo, ‘no! Kalimutan mo na yun.’

“Tawa kami nang tawa lang. Everything was just light, ano lang… hindi pilit.

“Kasi dati, ang daming taong gustong mag-mediate sa amin na magbati kami.

“Parang feeling ko, ayoko pong didiktahan ako.

“Kasi siyempre, may emotions, may controversy na involved at that time.

“So, I think that was the best time. In God’s time.”

TEXTMATES AGAIN. Tamang panahon lang daw talaga ang hinihintay ni Aiko upang tapusin na ang anumang hindi nila pagkakaunawaan ni Ara.

Pahayag niya, “Ako naman, ever since, I’m just waiting for that right time, e.

“Wala naman… ang tagal ko na nakapag-move on, e.

“Nakakaloka naman, di ba, if you just dwell on it?

“Kaya when I saw her, parang wala na.”

Ngayon daw ay may komunikasyon na silang muli ni Ara.

Ayon kay Aiko, “We text each other now.

“Kunwari, nagkita kami last night, the following day, we’re texting each other.”

Ibinahagi rin ni Aiko na habang sinu-shoot nila ang pelikulang Balatkayo, lagi raw siyang napakakamalan at tinatawag ni Direk Neal Buboy Tan na ‘Ara.’

“Nakakaloka, nire-remind ko pa sa kanya, ‘Direk, si Aiko po ako!’” natatawang kuwento ni Aiko.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN