Sharon Cuneta "hurt and insulted" by last-minute invitation to the Star Magic Ball

IMAGE Noel Orsal

Sharon Cuneta on not attending the Star Magic Ball: "I am sorry. I'm not plastic. And I KNOW my worth. I'm sure that is not lost on others either. And I will not go quietly into the night and put on a fake smile."


Inamin ni Megastar Sharon Cuneta na nasaktan at nainsulto siya dahil sa sinasabi niyang last-minute invitation sa Star Magic Ball.

Gaganapin ang 25th Star Magic Ball ngayong Sabado, September 30.

Natanggap ng 51-year-old actress-singer ang kanyang imbitasyon nito lamang daw Biyernes, September 29—o isang araw bago ganapin ang espesyal na okasyon.

Ibinalita pa ni Sharon sa kanyang Facebook account na sa wakas ay nabigyan na siya ng imbitasyon para sa Star Magic Ball.

Ngunit sinabi rin niyang hindi sila makakadalo ng kanyang mister na si Senator Kiko Pangilinan dahil wala siyang susuuting gown at gahol na rin sa oras, kung sakali.


Stories We Are Tracking

Sharon Cuneta not invited to the Star Magic Ball
Sharon Cuneta not invited to the Star Magic Ball
Sharon turns down last-minute invitation to Star Magic Ball
Sharon turns down last-minute invitation to Star Magic Ball

HURT AND INSULTED. Ilang oras pagkatapos ng nauna niyang Facebook post ay muling nag-post ng mensahe si Sharon.

Kalakip ng mensahe niya ang quote na ito mula sa animated film na Lilo & Stitch: "Ohana means family. Family means nobody gets left behind or forgotten."

Sa message box ay inilabas ng Megastar ang tunay niyang saloobin sa tila pang-iisnab sa kanya sa taunang pagtitipon ng Kapamilya artists at ilan sa pinakamalalaking pangalan sa industriya.

“I have to admit I am a bit hurt and quite insulted,” simula ni Sharon.

Himutok pa niya, “Guess the saying isn't always true. I just wanted to be with my big family.

“But then again, it's just a ball.

“If it was a fundraiser, a trade show or whatever, Shawie would have always been #1 on the list. And she ALWAYS gives with all her heart.

“Party time? Shawie absent.”

Inamin din ni Sharon na hindi siya dadalo sa Star Magic Ball dahil ayaw raw niyang magpanggap.

“I am sorry. I'm not plastic. And I KNOW my worth.

“I'm sure that is not lost on others either.

“And I will not go quietly into the night and put on a fake smile.”

Tila paalala pa niya sa sarili: “Shawie must remember not everyone who says they love her, does.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“A lot do, but not everyone. Even those she trusted the most. Sad but true.

“Not so naive anymore. I like to be surrounded by people who love, respect, and value me. Who wouldn't, right?”

Binalikan din ng Megastar ang kanyang halos 40 taon sa industriya at ang mga taong tumulong upang marating niya kung nasaan siya ngayon, nang wala ang social media at pagdalo sa balls.

“My heart is sad... But then again, Megastardom of almost 40 years came, with at least 20 of those being the queen of queens in showbiz, lording it over everyone -- and all without the help of social media -- or yes -- having to attend any balls.

“Vicor and Viva (Daddy, Daddy Tito, Mama Mina, Boss Vic, Ate Baby Gil, my Sharonians, friends from the press, and other loving and helpful people) MADE me.

“I was ‘made’ before my beloved ABS-CBN pirated me from another station. And my star shone even brighter.”

Sabi pa ni Sharon sa huli, “So though am hurt, ‘tampororot’ -- I love my Kapamilya.

“But my heart is wearing a band-aid on it now. End of issue.”

Inamin ni Sharon na noong mga nakalipas na taon ay palagi siyang iniimbitahang dumalo sa Star Magic Ball.

Ngunit hindi raw siya nakakapunta dahil gusto raw muna niyang magpapayat.

Noong isang taon, 2016, ay makakapunta na raw sana si Sharon dahil nabawasan na ang kanyang timbang.

Ngunit nataon namang nasabay ang Star Magic Ball sa kanyang concert.

Ngayong taon ay handang-handa na raw sana ang Megastar na dumalo, ngunit tila nahuli ang imbitasyon sa kanya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN