Arci Muñoz remains unfazed by bashers; shines at Star Magic Ball 2017

IMAGE Melo Balingit

Sa kabila ng mga negatibong komento na ibinabato sa kanya ng netizens, hindi raw apektado ang aktres na si Arci Muñoz dahil hindi naman siya gaanong aktibo sa social media.


Deadma pa rin si Arci Muñoz sa mga negatibong komento ng netizens tungkol sa pagbabago ng kanyang hitsura.

Duda ng maraming netizens, sumailalim na naman sa cosmetic surgery ang 28-year-old actress.

Hindi naman itinanggi ni Arci ang tungkol dito nang huli siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sabi niya: “It’s my life, my rules. Deny? No, never, what’s wrong with that? As if naman I committed a crime.”


Stories We Are Tracking

Arci Muñoz shrugs off talks about her new look
Arci Muñoz shrugs off talks about her new look
A cosmetic surgeon gives lowdown on Arci Munoz's new look
A cosmetic surgeon gives lowdown on Arci Munoz's new look

Muling nakausap ng PEP.ph si Arci sa Star Magic Ball 2017, na ginaganap sa Makati Shangri-La, ngayong Sabado ng gabi, September 30.

Ayon sa Kapamilya actress, hindi siya apektado sa mga negatibong komento tungkol sa kanya dahil hindi naman siya masyadong aktibo sa social media.

Pahayag ni Arci, "Ako, I’m not really a fan of social media so di ako masyadong [affected], di ako masyado active diyan.

"But whatever it is, like..."

Sa kabilang banda, nagpapasalamat naman si Arci sa mga sumusuporta sa kanya.

“Oo naman, I love them!" bulalas niya.

"I’ve always loved them and I just want them to know that I adore them and I love them.

"Whatever it is, the support and the love they’re giving me. It’s just keeping me alive."

Hindi kasama ni Arci na dumalo sa Star Magic Ball 2017 ang kanyang businessman boyfriend na si Anthony Ng.

Ayon sa mga dumalo sa event, at base sa mga lumabas na litrato niya sa social media, isa si Arci sa mga standouts ngayong gabi suot ang gown ni Francis Libiran.



Stories We Are Tracking

Solo showstoppers at Star Magic Ball 2017
Solo showstoppers at Star Magic Ball 2017
IN PHOTOS: Couples and love teams at Star Magic Ball 2017
IN PHOTOS: Couples and love teams at Star Magic Ball 2017
Family affair at Star Magic Ball 2017
Family affair at Star Magic Ball 2017


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN