Why Pia Wurtzbach arrived solo at the Star Magic Ball 2017

IMAGE Melo Balingit

Pia Wurtzbach on shorter hairdo: "I was thinking, I'm trying to veer away from the typical pageant look so I wanted something a little bit sexier and edgier."


Mag-isang rumampa sa red carpet ng Star Magic Ball si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kagabi, September 30, sa Makati Shangri-la .

Kaya naman, ipinagtaka ng ilang press kung nasaan ang boyfriend nitong si Marlon Stockinger.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press kay Pia, sinabi nitong taun-taon naman daw siyang walang date tuwing Star Magic Ball.

Aniya, "I always go solo every time I attend a Star Magic Ball...

"And there's a reason why they call a 'Miss' Universe and it's because it [means] a woman who can stand on her own."

Pinangunahan na rin ni Pia ang kasunod na tanong ng press, at sinabing maayos ang relasyon nila ni Marlon.

Matatandaang dalawang beses napabalitang naghiwalay ang dalawa—una, noong July, pagkatapos nila i-unfollow ang isa't isa sa Instagram; pangalawa, noong August, pagkatapos nilang i-delete sa Instagram ang mga photos na magkasama sila.

Pahayag ng dating beauty queen, "Marlon and I are fine, don't get me wrong. We're okay."

Busy rin daw si Marlon sa kanyang trabaho kaya hindi ito nakadalo sa ball.

Kuwento pa ni Pia, "He's also busy right now, and he's busy with his racing thing right now.

"He has his own thing to do, and I have my own thing to do.

"He's here, but he's travelling soon."

Si Marlon ang isa sa mga naging judge sa grand coronation ng Miss Millennial 2017 ng Eat Bulaga!, na ginanap sa MOA Arena, kahapon din.


Stories We Are Tracking

The hairstyles that trended at the Star Magic Ball 2017
The hairstyles that trended at the Star Magic Ball 2017
The stunning ladies at the Star Magic Ball 2017
The stunning ladies at the Star Magic Ball 2017

NEW HAIRDO. Isa rin sa ikinagulat ng marami ay ang bagong hairstyle ni Pia.

Mas maiksi ang buhok ng beauty queen-actress, na ngayon lang din nito ginawa. 

Sinasabing pag nagpagupit ang isang babae ng kanyang buhok ay may pinagdadaanan ito.

Ngunit ayon kay Pia, nais lang niyang subukan ang isang mas "sexy" at "edgy" look para sa ball, at wala itong ibang ibig sabihin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag pa niya, "I just wanted to do a different look for the ball. 

"I was thinking, I'm trying to veer away from the typical pageant look, so I wanted something a little bit sexier and edgier.

"And my stylist, styLIZed by Liz Uy, and my designer, Ezra [Santos], they liked my idea, so we combined the ideas, and we came up with this."

Wala rin naman daw magiging problema sa endorsements ni Pia ang pagpapaikli niya ng buhok.

MISS UNIVERSE 2017. Samantala, excited si Pia sa gaganaping Miss Universe 2017 sa Planet Hollywood sa Las Vegas, Nevada, kung saan siya nakoronohan bilang Miss Universe noong 2015.

Inimbita raw siyang dumalo sa pageant na gaganapin ngayong November 26. 

Pahayag ng Star Magic talent, "It's gonna be in Vegas, the same place where I was actually crowned, in Planet Hollywood. 

"They're inviting me to attend the next Miss Universe competition, and I'm crossing my fingers that I [can] really make it."

Nakapag-usap na rin daw sila ng Miss Universe Philippines 2017 na si Rachel Peters, at nabigyan niya ito ng ilang pointers sa pageant.

Kuwento ni Pia, "Yeah, she asked me, she messaged me and, you know, I shared some tips with her.

"I just told her, 'Have fun, stay focused, don't get distracted...have fun, most importantly.'"

Sa ngayon, nais daw muna ni Pia mag-focus sa pelikulang kinabibilangan nito, ang Gandarah N’ Gwapito: The Revengers, kung saan kasama niya sina Vice Ganda at Daniel Padilla.

Aniya, "Right now, my priority is actually finishing the movie. If it's finished by then, I'm definitely gonna go to Miss Universe."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN