Daniel Padilla disowns fans who bash Angel Locsin, other stars

by Nikko Tuazon
Oct 1, 2017
La Luna Sangre stars Kathryn Bernardo and Daniel Padilla at the red carpet of Star Magic Ball 2017 held last night, September 30, at Shangri-La Hotel in Makati City.

Nilinaw ni Daniel Padilla na walang kumpetisyong nagaganap sa pagitan ng tambalan nila ni Kathryn Bernardo at ng dating Kapuso tandem na sina Angel Locsin at Richard Gutierrez.

Magkakasama ngayon ang apat sa ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre.

Nitong mga nakaraang araw, naging laman ng balita ang pagsagot ni Angel sa diumano'y KathNiel fans na bina-bash siya dahil sa kanyang pagbabalik sa La Luna Sangre.

STORIES WE ARE TRACKING

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Daniel sa Star Magic Ball 2017, na ginanap sa Makati Shangri-la Hotel, kagabi, September 30.

Kasama ni Daniel si Kathryn na rumampa sa red carpet ng annual event ng talent arm ng Kapamilya network.

Namataan din sa ball si Richard kasama ang fiancée niyang si Sarah Lahbati.

Hindi naman dumalo si Angel.

Sa kanyang panayam, iginiit ni Daniel na walang hidwaan sa pagitan ng KathNiel at nina Angel at Richard.

"Wala, walang ganun. Naninira lang sila [bashers]," sabi ng 22-year-old actor.

Continue reading below ↓

Ipinagtanggol din niya sina Angel at Richard.

Saad ni Daniel, "Mababait na tao yun, dapat hindi natin sila ginaganun.

"Kung nabalitaan niyo yung mga fans na [namba-bash], I think hindi sila mga KathNiels.

"Mga naninira lang sila or mga nagpapanggap lang sila."

Alam daw ng mga totoong fans nila ni Kathryn na okay sila nina Angel at Richard.

Pinasalamatan pa nga ni Daniel sina Angel at Richard dahil sa pagtanggap ng mga ito sa kanilang proyekto.

Aniya, "Kahit sinong dumating sa show namin, malaking tulong yun para sa amin.

"And very thankful kami, very blessed na tinatanggap ng mga beteranong artista yun.

"Tinutulungan kami, tinutulungan namin sila."

Diin ni Daniel, "Walang kumpetisyon dito dahil, at the end of the day, pare-pareho kami ng goal dito na pagandahin yung show."

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
La Luna Sangre stars Kathryn Bernardo and Daniel Padilla at the red carpet of Star Magic Ball 2017 held last night, September 30, at Shangri-La Hotel in Makati City.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results