Lotlot de Leon reveals daughter Janine Gutierrez's new manager

IMAGE Preview Magazine / Mark Atienza

Lotlot de Leon (right) reveals why she entrusted daughter Janine Gutierrez (left) to her new manager, Leo Dominguez: "Leo and I also have the same vision and intentions for Janine, so I really felt that Leo would really be the best choice."


Nasa pangangalaga na ng talent management company ni Leo Dominguez si Janine Gutierrez.

Ipinaliwanag ng ina niyang si Lotlot de Leon ang latest development na ito sa career ng anak.

Sabi ni Lotlot, “It’s just that I decided because I’m also very busy with the restaurant, The South Grill." Ang huli ay restawran ni Lotlot sa Aguirre Avenue sa Parañaque City.

“And then, my own career as an actor as well, so mas gusto ko talagang merong tumutok sa kanya and help her out with new possibilities for her, for her career. Iyon.”

Bakit kay Leo?

Tugon ni Lotlot, “Because Janine idolizes Solenn and Lovi."

Mga alaga ring talents ni Leo sina Solenn Heussaff at Lovi Poe.

“And when I found out that Leo is the one who is taking care of both of them, Janine was also very interested, because the footsteps that I think she would really like to follow are Lovi and Solenn.

“And proven naman na, alam ko naman na kahit papaano, hindi naman siya pababayaan ni Leo.

“So when I called Leo and asked if he’s interested to manage Janine, he was very welcoming.

“He said, ‘Of course!’

“Sabi niya, ‘I follow the career of Janine.’

“Napapanood din niya yung mga serye na nagagawa ni Janine.

“And Leo and I also have the same vision and intentions for Janine, so I really felt that Leo would really be the best choice,” dagdag pa ng mahusay na aktres.

Dati ay sina Lotlot at ang GMA-7 ang magkatuwang na namamahala sa career ni Janine.

Matagal ba nilang pinag-usapan ni Janine ang paglipat ng dalaga kay Leo?

Lahad ni Lotlot, “Actually, ang tagal na rin naming napag-uusapan.

“Kaya lang, hindi talaga nagkaroon ng chance at that time na I would transfer my responsibilities as a talent manager to someone else.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because we had so many contracts already with endorsements, so we just opted to, you know, take it as it is.

“And then we’ll see where it will lead.

“So hanggang sa, yun na nga, I asked her again. Sabi ko, ‘Would you be interested in getting…'

“Actually, ako ang nagsabi kay Janine, ‘Would you be interested in getting another manager who will handle you?’

“Sabi niya, ‘Mom, if you think it’s the best for me, sabi niya, ‘It’s okay.’

“So doon po nagsimula yun.”

Eksklusibong nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lotlot nitong nakaraang Miyerkules, September 27, sa Angelicum College, Sto. Domingo, Quezon City, sa taping ng Magpakailanman: My Unlawful Husband episode.

Ito ay pinagbibidahan nina Lotlot (bilang Lydia) at Carla Abellana (bilang Sandy) at ipinalabas nitong nakaraang Sabado sa GMA.

CONTRACT UNDER NEGOTIATION. And speaking of GMA, tinanong namin si Lotlot kung Kapuso pa rin ba si Janine.

Saad niya, “For now her contract is under negotiations with GMA.

“And of course, we’re very thankful to GMA for being so influential with Janine’s career, and very instrumental sila sa pagsisimula ni Janine because that’s where she started.

“So kumbaga nasa pag-uusap na rin iyon nila Leo and ng GMA, on what their plans are for Janine in the coming months and years.”

JANINE-RAYVER RELATIONSHIP. Tinanong naman namin si Lotlot kuna may relasyon na ba sina Janine at Rayver Cruz.

Natatawa niyang sagot, “Ewan ko, sila na lang ang tanungin ninyo.”

Sa pagkakaalam niya?

Sagot niya, “Hindi pa.”

“Dating” pa rin sila hanggang ngayon?

“Yeah.”

Paano kung sakaling magkakaroon ng relasyon ang dalawa?

Lahad niya, “Kung saan masaya si Janine, I’ll be happy for her.

“She has a good head on her shoulders, I know she’ll make the right decisions.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I have faith in her so let’s allow her to make her own decisions already.

“She’s already also of age.”

Ito rin ang mga naging sagot ni Lotlot sa tanong namin kung bakit um-attend si Janine sa Star Magic Ball.

That night na kausap namin si Lotlot (September 27) ay nabanggit na niya sa amin na inimbita ni Rayver si Janine sa Star Magic Ball bilang date niya, at magkasama nga ang dalawa kagabi, September 30 sa naturang pagtitipon.

Wala naman daw nakikitang masama si Lotlot sa pagdalo ni Janine sa naturang event, lalo na't kilala siya bilang isang Kapuso actress.

Dumalo rin naman sa naturang event ang mga Kapuso stars na sina Megan Young, Mikael Daez, Kristine Hermosa, Oyo Sotto at si Heart Evangelista kasama ang mister nitong si Senator Chiz Escudero.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN