StarStruck alumnus Vivo Ouano clarifies statement about managers making indecent proposals

IMAGE Noel Orsal

Vivo Ouano said he didn't want to offend anyone in his PEP.ph interview where he said managers offered to manage his career in exchange for having him as a boyfriend. He also clarified that the indecent proposals came when he was still a newbie, not at present when he's already with ABS-CBN.


Hindi raw gusto ng StarStruck alumnus na si Vivo Ouano na maka-offend dahil sa mga sinabi niya sa interview na lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa artikulong nailathala noong September 22, sinabi ni Vivo na kaya wala siyang manager ay dahil ang gusto ng mga nag-o-offer sa kanya ay magkaroon sila ng relasyon.

Ito ang direktang quote mula sa kanya: “Kaya hanggang ngayon wala akong manager, kasi yung ibang manager, gusto nila magsyota, e.

“Maraming nag-aalok sa ABS.

“Mga secretary nila nagti-text sa akin, e, na, gusto ka i-meet ni ganito, tapos tutulungan ka.

“Yung secretary nila ang kaliwang kamay. Sila yung nag-o-offer, gusto makipagkita, ganun.”

Nilinaw ni Vivo ang pahayag niyang ito nang makausap siya muli ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Nangyari ito sa press conference ng stage play na Solo Para Adultos (For Adults Only), sa Cafe Via Mare, Quezon City, noong Sabado, September 30.

Ayon kay Vivo, ang sinasabi niyang sitwasyon ay hindi nangyari ngayong nasa ABS-CBN na siya.

Kasama siya ngayon sa cast ng afternoon drama series na Wildflower.

Sabi ng 27-year-old actor, "Before [pa], matagal na, matagal na. Teen pa ako nun.

"Kumbaga, siyempre gusto ko sumikat sa kakayanan ko.

"Gusto ko kunin nila ako dahil gusto nila ako dahil sa kakayanan ko.

"Yun yung para sa akin. Hindi ko ipipilit kung ayaw nila sa akin.

"Yun ang gusto ko iparating."

Si Vivo ay produkto ng artista search ng GMA Network na StarStruck Season 3.

NO BAD EXPERIENCE. Klinaro rin ni Vivo na hindi siya takot sa bading at wala siyang naging masamang karanasan noon.

Saad niya, "Wala, wala. Marami rin naman akong kaibigan na mga bading.

"Nagkamali lang, hindi lang yun yung meaning ko.

"Yung sa akin kasi, yung point ko dun, gusto ko kasi sumikat na... wala naman akong masamang experience at all.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko lang kasi talagang sumikat, na kung gusto nila ako, papasikatin nila ako."

Patuloy ni Vivo, "Hindi yung parang magrerelasyon tayo, papasikatin mo ako.

"Kasi, para sa akin, kaya ako bumalik sa pag-aartista, di ko na ipipilit kung ayaw nila sa akin.

"Kung gusto nila sa akin, go. Pero kung ayaw nila, stop ko na."

Noong 2011 ay nadamay si Vivo, kasama ang kapwa StarStruck 3 Avenger na si Jeric Rizalado, sa isang drug buy-bust operation, dahilan upang makulong sila ng dalawang buwan sa detention center ng Camp Crame.

Nang ma-dismiss ang kaso ay nakabalik ang aktor sa paggawa ng teleserye hanggang taong 2013.

Pagkatapos nito ay nawala siya sa showbiz nang magpakasal sa long-time girlfriend na si Jay Anne Bautista.

Bukod sa pagbabalik sa pag-arte, busy rin si Vivo at ang kanyang maybahay sa kanilang business, kung saan nagbebenta sila ng school supplies sa Department of Education.

Sa ngayon, si Vivo ay may dalawa nang anak—isang two-year-old na babae at two-month-old na baby boy.


Stories We Are Tracking

Vivo Ouano reveals reason why he has no talent manager
Vivo Ouano reveals reason why he has no talent manager
"StarStruck 3" Avenger Vivo Ouano has no gay benefactor--manager


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN