Muling idinaan sa biro ni Maris Racal ang reaksiyon sa panibagong viral memes tungkol sa kanya.
Lumabas sa social media nitong weekend ang dalawang larawan nina Maris at Iñigo Pascual na kuha mula sa Star Magic Ball 2017 noong Sabado, September 30.
Sa larawan, makikitang tila galit ang hitsura ni Maris, habang astang pinipigilan ni Iñigo ang dalaga.
Ibinahagi ni Maris ang mga larawang ito sa kanyang Twitter account kahapon, October 1.
Pabirong sabi pa ng 20-year old singer-actress sa caption: “Sinapian ata ako ni Ivy Aguas kagabi. Thank you sa pag awat, Papapeh.”
Si Ivy Aguas ang karakter na ginagampanan ni Maja Salvador sa ABS-CBN afternoon drama series na Wildflower.
Sinapian ata ako ni Ivy Aguas kagabi. Thank you sa pag awat, Papapeh. pic.twitter.com/XGQyYvHgSU
— Maris Racal (@MissMarisRacal) October 1, 2017
Kasunod nito ay nag-tweet pa si Maris ng linya mula sa hit song ni Iñigo na “Dahil Sa 'Yo.”
"Dahil sayo ako'y matapang, dahil sayo ako'y lalaban"
— Maris Racal (@MissMarisRacal) October 1, 2017
Hindi naman nilinaw ng young star ang dahilan kung bakit mukha siyang galit sa mga larawan.
MEMES. Dahil sa mga larawang ito, naging tampulan ng katuwaan ng fans si Maris.
Nagbigay rin ng iba-ibang version ng memes ang kanyang mga tagahanga katulad ng mga ito:
"Dahil sayo ako'y matapang. Dahil sayo ako'y lalaban." pic.twitter.com/xA0QPyE1uN
— ???? ??? ? (@gessynfectant) October 1, 2017
nagsimula nanaman sila ???? *creds to the owner pic.twitter.com/nNPsc1ZKqJ
— Little Petunia ???? (@littlepetuniaaa) October 1, 2017
Puusssshh. #GGVKiligSiAko pic.twitter.com/prNAs3U7Hp
— ?MissMarisTine? (@FangirlTine) October 1, 2017
meanwhile in fb hahaha pic.twitter.com/CPGyNIpATs
— Little Petunia ???? (@littlepetuniaaa) October 1, 2017
Kanya na kasi eeeee???????? pic.twitter.com/UKrDEYcKNw
— Angelika Tolentino (@angeeetoleng29) October 1, 2017
Minsan nang naging subject ng memes si Maris dahil sa facial expression nito nang minsang mag-perform sa ASAP kasama ang BFF5.
Sa panayam niya sa PEP, inamin ni Maris na nasaktan siya sa mga negatibong komento ng netizens noon.
Sabi pa niya, “Wrong angle, wrong timing, kaya napagtatawanan.”
COZY WITH IÑIGO. Samantala, naging usap-usapan din ang pagiging sweet nina Maris at Iñigo noong araw ng Star Magic Ball.
Narito ang kanilang video na masayang sumasayaw sa kanta ni Amy Winehouse na “Valerie”:
Ito naman ang larawan nilang dalawa mula sa event, na ibinahagi ni Maris at ni-retweet ni Iñigo:
Music connects people pic.twitter.com/HLdErZ1HFo
— Maris Racal (@MissMarisRacal) October 1, 2017
Sa episode ng Gandang Gabi Vice kagabi, October 1, tinanong ni Vice Ganda sina Maris at Iñigo: “May malisya ba ang ginagawa ninyo sa isa't isa?”
Nahihiyang tugon ni Maris, “Ako talaga yung tatanungin mo, Ate Vice?”
Sabi naman ni Vice, “O, sige, si Iñigo na lang. May malisya ka ba kay Maris?”
Tumingin lamang ang binatang anak ni Piolo Pascual sa dalaga, at ngumiti sila sa isa't isa.
Para mapasagot, muling tinanong ni Vice si Iñigo: “May malisya ka ba sa akin?”
Sagot ng 20-year-old singer-actor, “Wala.”
Sabi ni Vice, “So, sa akin, wala, di ba? Sa kanya [Maris], meron?”
Sagot ni Iñigo, “Meron po.”
“Meron” din ang sagot ni Maris.
Dagdag ng dalaga, “Ang weird lang kasi never kaming nag-usap about this, na kaming dalawa lang.”
Singit naman ni Iñigo, “Mismo. Kaya kami nahihirapan kasi, sa aming dalawa mismo, dito lang namin sinabi sa isa't isa yun.”
Pabirong hirit ni Vice sa dalawang young stars: “E, di ninang niyo ako. Tapos. Yun ang bahagi ko sa inyong dalawa.”