Mayor Patrick Meneses on Aiko Melendez-Ara Mina reconciliation: "I'm happy for them na okay na sila."

IMAGE Noel Orsal / Facebook of Aiko Melendez

Masaya raw si Mayor Patrick Meneses na pagkatapos ng 17 taon ay nagkaayos na ang mga dati niyang kasintahang sina Aiko Melendez at Ara Mina. 


Masaya si Bulacan Mayor Patrick Meneses na nagkaayos na ang dating magkaibigan na sina Aiko Melendez at Ara Mina pagkatapos ng 17 taong hidwaan.

Naganap ang pagbabati nina Aiko at Ara sa isang burol noong September 23.

Nagkaroon ng alitan ang dalawang aktres dahil sa pagkakaugnay nila sa parehong lalaki nang dalawang beses.

Una, sa aktor na si Jomari Yllana, na ex-husband ni Aiko. Mayroon silang isang anak, si Andrei Yllana.

Matapos maghiwalay nina Aiko at Jomari, nagkaroon ng relasyon ang aktor kay Ara noong 2002.

Ngunit nauwi rin ito sa hiwalayan noong 2004.

Taong 2008, nakarelasyon naman ni Aiko si Mayor Patrick.

Naghiwalay sila noong 2011 matapos ang tatlong taong relasyon.

Taong 2012, nagkarelasyon naman ang alkalde at si Ara.

Ngunit noong 2015 ay naghiwalay rin ang dalawa.

Pero nananatili silang magkaibigan para sa kanilang anak na si Amanda Gabrielle.

Sa ngayon, parehong single sina Ara at Aiko.

“I’M HAPPY FOR THEM.” Kahapon, October 2, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mayor Patrick sa presscon ng pelikulang Bes and the Beshies.

Isa si Mayor Patrick sa may-ari ng Cineko Productions, ang producer ng nasabing pelikula na pinagbibidahan nina Ai-Ai delas Alas, Carmi Martin, Beauty Gonzalez, at Zsa Zsa Padilla.

Hiningan namin ng pahayag ang alkalde sa pagkakaayos ng dalawa niyang ex-girlfriends na sina Aiko at Ara.

Tugon niya, “That’s good. That’s good to know na bati na sila.

“I’m happy for them na okay na sila.”

Pero tumanggi na si Mayor Patrick na sagutin ang tanong namin kung isa ba siya sa dahilan ng naging away ng dalawang aktres.

 


Stories We Are Tracking

Ara Mina, Aiko Melendez end longtime rift
Ara Mina, Aiko Melendez end longtime rift


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN