Paulo Avelino goes public with Fil-Aussie girlfriend

IMAGE Melo Balingit

Asked why he decided to finally go public with his girlfriend, Paulo Avelino replies, "Di ko rin alam, siguro it's proper timing, saka ang tanda ko na."


Ang Fil-Aussie model na si Jodi Elizabeth Tarasek ang ka-date ng aktor na si Paulo Avelino sa Star Magic Ball 2017, sa Makati Shangri-La, noong Sabado, September 30.

Ito ang kauna-unahang pagkakataong lumabas sa publiko ang dalawa.

Ayon kay Paulo, nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News sa ball, proper timing ang rason kung bakit nagdesisyon siyang ipakilala na  publiko ang current girlfriend.

“Hindi ko rin alam, siguro it’s proper timing, tsaka ang tanda ko na.

“Matanda na ako, tumatanda na ako,” sabi ng 29-year-old star.

Papuri naman ng modelong si Jodi, si Paulo ang pinaka-selfless na taong nakilala niya.

“He’s probably the most selfless person that I know.

“I think that’s the best thing I can say about him.

“There’s much more.” 


Pinasalamatan din ni Jodi si Paulo sa pagrespeto nito sa kalagayan niya bilang isang pribadong tao.

“It feels good Paulo respected my privacy.

“I think everything came out at the right time, so there was no rushing.

“I didn’t push him to, like, publicly come out.

“It was just all about timing and right choices.”

Tinanong ng PEP.ph si Paulo kung may plano na ba silang magpakasal.

Tugon niya, “For now, we’re at the stage we’re enjoying each other’s company.

“Grabe naman, kasal kaagad, parang sinasabi ninyo walang girlfriend-boyfriend, diretso kasal na!

“Pagkaligaw, kasal kaagad?” natatawang sabi ng Promise of Forever actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN