ABS-CBN talents Maymay Entrata and Kisses Delavin fangirl over Kapuso star Maine Mendoza

IMAGE Courtesy: @maymayentrata07 / @kissesdelavin on Instagram

Nakasama ng Kapamilya young stars na sina Maymay Entrata (kaliwa) at Kisses Delavin (kanan) ang Kapuso phenomenal star na si Maine Mendoza sa isang endorsement pictorial kagabi, October 3. 


Hindi naitago ng Kapamilya young stars na sina Maymay Entrata at Kisses Delavin ang kanilang paghanga sa Kapuso phenomenal star na si Maine Mendoza.

Nagkasama ang tatlo sa pictorial para sa isang endorsement kahapon, October 3.

Kinagabihan, parehong nag-post sina Kisses at Maymay sa Instagram ng kani-kanilang larawan kasama ang tinaguriang Dubsmash Queen.

Sa caption ng kanilang IG posts ay ibinahagi ng former Pinoy Big Brother housemates ang kanilang engkuwentro sa 22-year-old Eat Bulaga! host.

Sabi ng 18-year-old na si Kisses: "So... I just met @mainedcm. Yep. I might be smiling but inside, I'm screaming! Woah grabee!!! Have nothing but beautiful words about this girl.

"Didn't expect her to be so kind! I admire her before, but now I admire her so much more when I met her up close.

"I so love people who are still so humble and approachable despite the success! I'm an instant fan of hers!"

Sa kabilang banda, sinabi naman ni Maymay na si Maine ang dahilan kung bakit gumawa ng Twitter account ang kanyang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Saad ng 20-year-old Kapamilya star: “Sa wakas! Nakapagpasalamat na po ako sa inyo.

“Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit nagka twitter si Mama ko.

“Maraming OFW ang pinasaya mo kasali na si mama dun. Kaya di ko na pinalampas ang araw na to dahil kami hindi lang naging baliw sayo kundi naging inspirasyon ka din saaming lahat.

“We love you po Ms. Yaya dub! #nothingisimpossible.”
Sumikat nang husto ang tambalan nina Maine at Alden Richards—o mas kilala bilang AlDub—sa "Kalyeserye" segment ng Eat Bulaga! noong kalagitnaan ng 2015.

Noong mga panahong iyon, wala pa sa showbiz sina Maymay at Kisses.

Ang dalawang Star Magic talents ay naging housemates ng Pinoy Big Brother: Lucky 7, mula July 2016 hanggang March 2017.

TITA GOALS. Sa Facebook fanpage ni Maine, nag-post din ang Kapuso star ng tungkol sa endorsement shoot niya kasama sina Maymay at Kisses.

Kasama rin nila ang ka-love team ni Maymay na si Edward Barber at ang ka-love team ni Kisses na si Marco Gallo.

Ayon kay Maine, nagmukha raw siyang “Tita” habang nasa pictorial.

Caption niya sa kanilang larawan: “Met these cuties at shoot today! Sobrang nakakatuwa sila pero grabe nagmukha nila akong tita. #titagoals #TitaMeng.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN