Sharon Cuneta comes to Kris Aquino's defense against basher

Sharon Cuneta defends fellow celebrity Kris Aquino from basher: "We've worked hard and deserve to do what we please especially in our own homes!"


Nagsanib-puwersa sina Kris Aquino at Sharon Cuneta sa pagsagot sa isang basher na pumuna sa una dahil sa pagkain nito habang nasa kama.

Sa Instagram post na ibinahagi ni Kris kahapon, October 4, makikitang kasama niyang kumakain ng siopao ang bunsong anak na si Bimby.

Isang Instagram user, @bastille36, ang nagkomento ng ganito: “Yan ba ang example mo ang kumain sa bed? May sakit ba kayo para dyan kumain... bakit hindi kayo sa kusina. Be a good example!”

Kalmado naman itong sinagot ng TV host-actress-endorser: “bastille36 omg—parang may napatay na ko sa level ng galit mo—can I send you chowking halo2 para you can chill???”


Pagkatapos nito ay nag-post ng isa pang larawan si Kris, na nasa kama pa rin, at kita ang ilang paboritong snacks nila ni Bimby.

Sa caption ay pinangunahan na ng 46-year-old TV host-actress ang may balak mag-bash muli sa kanya.

Sabi ni Kris: “Before i’m again lectured, we’ll definitely brush our teeth before sleeping.

“This is a THANK YOU post for all of you who had our back & respected our right to enjoy our home as we see fit.”

SHARON TO THE RESCUE. Sa post na ito ay makikitang nag-comment si Sharon bilang suporta kay Kris.

Sabi ng Megastar: “Nothing wrong with eating on one's bed.

“That's what bed trays and breakfasts-in-bed were made for. Most everyone I know does it.

“I know I do. Cos we eat like the decent people we are and keep our beds clean while eating on them.

“We've worked hard and deserve to do what we please especially in our own homes!”

Dagdag pa ng 51-year-old singer-actress: “There are way more important things to do in these times like pray because there is too much evil around us now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Cheer up! It's those who love you whose opinions matter the most. God bless you and the boys always.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN