GMA Network to Mocha Uson: "There is no fake news here."

IMAGE Screen grab from GMA Network

Part of GMA Network's statement about Mocha Uson's "fake news" allegation: "It was clear in GMA News' report that we were quoting ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong who criticized PCOO Asec Mocha Uson for entering a mosque in Marawi with her boots on and for taking a selfie inside."


Itinanggi ng GMA Network, Inc. ang akusasyon ng blogger at PCOO assistant secretary na si Mocha Uson na naglabas ng "fake news" ang GMA News and Public Affairs tungkol sa kanya.

Ang tinutukoy na "fake news" ni Mocha ay ang September 12 report ng State of the Nation, ang news program ni Jessica Soho sa GMA News TV.

Sinabi ritong nag-selfie si Mocha sa loob ng mosque ng Marawi City nang nakasuot ng boots.

Hindi rin daw siya nakasuot ng hijab o balabal ng mga babaeng Muslim.

Kasama si Mocha sa entourage ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumisita sa Grand Islamic Mosque, sa Marawi City, noong September 11.

Muling inulit ni Mocha ang akusasyon niyang ito laban sa GMA-7 nang humarap siya sa pagdinig ng Senado tungkol sa paglaganap ng fake news sa bansa, ngayong araw, October 4.

Sa pamamagitan ng kanilang news website na GMA News Online, naglabas ng official statement ang Kapuso network tungkol sa paratang ni Mocha.

Ayon sa kanila, ang report ng GMA News ay malinaw na base sa mismong quote ni ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong, na binatikos ang pagpasok ni Mocha sa mosque ng Marawi nang nakasuot ng boots at kumuha pa ng selfie.

Iniulat din daw ng GMA Network ang paghingi ng paumanhin ni Mocha sa hindi niya pagtatanggal ng sapatos.

Diin ng GMA News: "With all due respect to Asec. Uson, there is no fake news here."

Dagdag nila, “We in GMA News and Public Affairs hold ourselves to a high standard of accurate and factual reporting and we will continue to do so in the name of Serbisyong Totoo.”

OFFICIAL STATEMENT. Narito ang kabuuang pahayag ng GMA Network ngayong Miyerkules, October 4:

“It was clear in GMA News' report that we were quoting ARMM Assemblyman Zia Alonto Adiong who criticized PCOO Asec Mocha Uson for entering a mosque in Marawi with her boots on and for taking a selfie inside.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“GMA later carried Asec. Uson's apology for not removing her shoes, her explanation that their entry to the mosque was unplanned as they were forced to do so when fighting intensified, and her denial that she took a selfie.

“With all due respect to Asec. Uson, there is no fake news here.

“We in GMA News and Public Affairs hold ourselves to a high standard of accurate and factual reporting and we will continue to do so in the name of Serbisyong Totoo.”

SELFIE WITH TRILLANES. Samantala, nakaharap ni Mocha sa pagdinig sa Senado kanina si Senator Antonio Trillanes, na kilalang kritiko ni Pangulong Duterte.

Biniro pa ni Mocha ang senador at sinabing, "Guwapo pala kayo sa personal. Di po 'yan fake news."

Sinakyan naman ni Senator Trillanes ang biro ni Mocha at sinabing, "Baka iatras ko na kaso ko. Konti na lang bola."

Nakipag-selfie rin ang PCOO assistant secretary sa senador.

Noong nakaraang linggo lamang ay nagsampa ng patung-patong na kaso si Senator Trillanes laban kay Mocha.

Ito ay ang mga sumusunod: grave conduct, violating the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees, falsification and/or use of falsified documents under the Revised Penal Code, at three counts of cyber libel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN