Winwyn Marquez admits missing showbiz; prepares for Miss Reina Hispanoamericana 2017

IMAGE Winwyn Marquez Instagram

"Dahil sa title na ito, sacrifice ko muna ang showbiz kasi matagal ko ng dream ang maging isang beauty queen," says Miss Reina Hispanoamericana-Filipinas 2017 Winwyn Marquez.


Nami-miss na ni Winwyn Marquez ang pagtrabaho sa showbiz, pero ang pagiging beauty queen raw ang priority niya ngayon.

Si Winwyn ang kauna-unahang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Reina Hispanoamericana, na gaganapin sa bansang Bolivia sa Nobyembre.

Ayon sa 25-year-old actress-beauty queen, “Sa totoo lang, miss ko ang mga tapings, kasi iyon na ang nakasanayan ko for a very long time.

“Pero dahil sa title na ito, sacrifice ko muna ang showbiz, kasi matagal ko nang dream ang maging isang beauty queen.

“And I will do my best to represent our country sa Miss Reina Hispanoamericana in November.”

Bago siya sumali at nanalo sa Miss World-Philippines 2017, naging bahagi si Winwyn ng defunct primetime series ng GMA Network na Mulawin vs. Ravena.

Ito ang unang pagkakataong nagpadala ng contestant ang Pilipinas sa Miss Reina Hispanoamericana, kaya pinagbubuti ni Winwyn ang kanyang training sa ilalim ng Aces & Queens.

Hindi lang daw pagkakaroon ng physically fit na katawan ang pinagkakaabalahan niya, kailangan din daw niyang mag-aral magsalita ng Spanish language.

“Reina Hispanoamericana has been established for around twenty-seven years.

“Hindi talaga siya familiar sa atin dahil puro South American countries lang ang kasali, so puro Latinas.

“In-invite tayo for the first time this year, and tayo lang ang in-invite sa Asia.

“I want to prepare myself mentally because it’s a Spanish-based pageant and everyone speaks Spanish.

“I don’t speak Spanish fluently, although I’m trying to learn although I’m not required,” pahayag ni Winwyn nang ma-feature siya sa programang Tunay Na Buhay ng GMA-7 noong September 13.

NEW LOOK. Nag-post naman si Winwyn sa kanyang Instagram account ng iba’t ibang looks niya para sa Miss Reina Hispanoamericana, sa tulong ng make-up artist na si Fanny Serrano.

Ang gagawa raw ng kanyang national costume ay ang Filipino designer na si Edwin Uy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinost din ni Winwyn sa Instagram noong September 28 ang tungkol sa online voting para sa mga kandidata ng Miss Reina Hispanoamericana 2017.

Ang makakakuha raw ng pinakamaraming votes via social media ay pasok agad bilang finalist.

Ito ang kanyang caption: “FILIPINAS! IPAKITA NATIN ANG POWER NG PINOY. Reina Hispano Americana 2017 will have an online voting and the candidate with the highest votes will automatically be one of the FINALISTS.

“Make sure to follow @pgloriaoficial and like their Facebook page para malaman kung kailan magsisimula ang voting!

 “Voting will be made through www.promocionesgloria.com and it will also be accessible through their FB page (https://www.facebook.com/ PromocionesGloria) and the official page of Reina Hispanoamericana (https : //www.facebook.com/ ReinaHispanoamericana).”

FILIPINAS! IPAKITA NATIN ANG POWER NG PINOY. ?????? ______________________________________________________________ Reina Hispano Americana 2017 will have an online voting and the candidate with the highest votes will automatically be one of the FINALISTS. ???????? ______________________________________________________________ Make sure to follow @pgloriaoficial and like their fb page para malaman kung kelan magsisimula ang voting! ______________________________________________________________ Voting will be made through www.promocionesgloria.com and it will also be accessible through their Facebook page https://www.facebook.com/PromocionesGloria and the official page of Reina Hispanoamericana https : //www.facebook.com/ReinaHispanoamericana Mag ready na kayo!?? @pgloriaoficial

A post shared by Teresita Ssen Winwyn Marquez (@wynmarquez) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN