Rayver Cruz and Janine Gutierrez don't want pressure on their relationship

by Melba R. Llanera
Oct 5, 2017
"Darating naman yun, di naman kailangang i-pressure ang mga bagay," says Rayver Cruz when asked about the real score between him and Janine Gutierrez, whom he is courting.

Ang Kapuso actress na si Janine Gutierrez ang ka-date ng Kapamilya actor na si Rayver Cruz sa Star Magic Ball 2017, na ginanap sa Makati Shangri-La, noong September 30.

Bago pa man nakita ang dalawa sa taunang event ng talent arm ng ABS-CBN, kinumpirma na ni Rayver ang panliligaw niya sa magandang aktres mula sa GMA-7.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kina Janine at Rayver, tinanong ang dalawa kung ano na ang estado ng kanilang relasyon.

Sagot ng 28-year-old actor, “Okay naman, maayos naman, nanliligaw pa rin.”

Nang tanungin naman kung may pag-asa ba sa kanya si Rayver, umoo agad si Janine.

Ayon sa 28-year-old actress, “Pag-asa? Siyempre, mayroon.

“Mabait siya, masayang kasama, mga ganun.

“Alam naman niya yun.”


Continue reading below ↓

Ayon naman kay Rayver, ayaw niyang madaliin ang panliligaw kay Janine.

“Hindi ko naman iniisip yun, e,” kampanteng sabi ng actor-dancer.

“Darating naman yun,hindi naman kailangang i-pressure ang mga bagay.

“Ang importante, masaya kami, nandito kami sa ball.

"Masaya ako kasi kasama ko si Ms. Janine Gutierrez."

Diin pa ni Rayver, “We’re dating naman eh.”

Pagsang-ayon naman ni Janine, “Katulad ng sinabi ni Rayver, enjoy lang muna.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Darating naman yun, di naman kailangang i-pressure ang mga bagay," says Rayver Cruz when asked about the real score between him and Janine Gutierrez, whom he is courting.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results