Ethel Booba, Bianca Gonzalez react to Mocha Uson's "I'm a blogger" stance on fake news

IMAGE Twitter iamGabisonEthyl / Instagram @iamsuperbianca

Kinondena nina Ethel Booba (left), Bianca Gonzalez (right), at iba pang showbiz personalities ang paglaganap ng fake news. Kaugnay ito ng pagharap ni PCOO Assistant Secretary Mocha Uson kahapon, Oktubre 5, sa senate hearing tungkol sa usaping fake news. Sabi ni Ethel, "Not all blog r opinion based, sum contains news. Sum r hiding behind d title blogger to avoid accountable for what they r spreading."


Kabilang sina Ethel Booba, Bianca Gonzalez, Lourd de Veyra, at Agot Isidro sa showbiz personalities na hindi napigilang magkomento hinggil sa paglaganap ng fake news sa bansa.

Kaugnay ito ng pagdinig sa Senado kahapon, Oktubre 4, kung saan humarap si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson bilang isa sa resource speakers.

Si Mocha, na mas kilala bilang masugid na tagasuporta ni Presidente Rodrigo Duterte, ay makailang beses nang nasangkot sa pagpapakalat ng "fake news," partikular na sa kanyang Facebook account, na mayroong mahigit five million followers.

Gayunman, nangatuwiran si Mocha na siya ay “blogger” at hindi isang “journalist.”

Sabi pa ni Mocha, "I have the right to... I have a right... I have the right... ano po? I have the right to... against self- discri... ano, against self-incrimination... Sensya na."

Sinabi rin dito ni Mocha na karapatan niyang maghayag ng opinyon at hindi niya kailangang kunan ng pahayag ang sinumang personalidad na kinokondena niya sa kanyang social media accounts.

NO TO FAKE NEWS. Walang direktang tinukoy sina Ethel at Bianca kung para kanino ang kanilang tweets, ngunit ibinahagi nila ito sa gitna ng kontrobersiya hinggil sa pahayag ni Mocha tungkol sa usaping fake news.

Sa kanyang sunud-sunod na tweets ngayong araw, Oktubre 5, sinabi ni Ethel na parehong may pananagutan ang journalists at bloggers sa paghayag ng “real” and “verified” news reports.

Sumang-ayon si Bianca sa pagkondena sa mga opisyal ng gobyerno na siya pang “source” ng “fake news.”

Ni-retweet din ni Bianca ang pahayag ng ABS-CBN broadcast journalist na si Karen Davila, na nagsabing kung minsan ay government official pa ang "source" ng "fake news."

Nagpatutsada naman ang TV5 host na si Lourd de Veyra sa katuwiran ni Mocha na karapatan niyang maghayag ng anumang opinyon bilang blogger.

Si Agot ay nagbirong sana ay kinuha rin siyang resource person sa Senado dahil siya ang totoong biktima ng fake news.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

 


Stories We Are Tracking

GMA Network to Mocha Uson:
GMA Network to Mocha Uson: "There is no fake news here."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN