Regine Velasquez learns to ignore bashers: "Most of them are kids, so bakit mo papatulan?"

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez on dealing with online bashers: "Medyo slow yung aking journey process, kasi siyempre hindi ako sanay dito, dahil hindi ko naman ito na-experience nung time namin. I think, hindi ako nag-iisa. Marami akong kasama na mga artista na naninibago sa set-up ngayon. Nag-evolve na talaga ang showbiz because of social media."


Tumigil na raw sa pagpatol sa bashers ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez.

Bilang singer, malaking advantage kay Regine ang social media dahil nakakapag-promote siya ng mga show niya—tulad ng two-night concert niya sa MOA Arena sa October 21 at October 22—pero aminado siyang mahirap patulan ang mga bashers, base sa kanyang karanasan.

Saad ng 47-year-old singer-actress, “Ang problema natin sa bashers, kapag nag-bash sila, parang kilalang-kilala ka nila.

“And it’s always so personal. It’s very difficult to handle.

“Plus, my personality is, I’m not confrontational, hindi ako confrontational na tao.

“But, since I only read it in my phone or in my iPad, parang madaling sagutin, ang daling makipag-away, kasi hindi ko naman nakikita.

“I used to do that, pumapatol talaga ako, and kasama na rin siyempre dun yung pride.”

Pero patuloy niya, “I realize it’s really not good.

“For all we know, these kids—kasi most of them are kids—so bakit mo papatulan?

“Parang ang happiness lang nila, e, umupo at mang-bash ng tao, so ibigay na natin yun.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine ngayong Huwebes, Oktubre 5, sa presscon ng kanyang two-night concert.

LEARNING SLOWLY. Aminado si Regine na natagalan bago niya natutunang i-handle at tuluyang huwag pansinin ang mga mapanirang komento ng netizens.

“Ngayon, slowly, natututo na ako.

“Medyo slow yung aking journey process, kasi siyempre hindi ako sanay dito dahil hindi ko naman ito na-experience nung time namin.

“I think, hindi ako nag-iisa. Marami akong kasama na mga artista na naninibago sa set-up ngayon.

“Nag-evolve na talaga ang showbiz because of social media.”

Ayon pa sa Asia’s Songbird, “I try my very best not to read na lang.

“Kapag kasi may nababasa ka, nag-iinit agad ang ulo mo.

“And If I do, kung may mabasa man ako, parang iniisip ko na lang na, is it worth it to actually… parang, magkaroon pa kami ng exchange?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi sasagutin ka rin, e.”

Ang ginagawa na daw ni Regine sa mga basher ay ibina-block niya sa kanyang social media.

“A lot of times, ang ginagawa ko, kung may mabasa ako, ire-report ko muna, mga sampu, mga twenty times, saka ko iba-block.

“Ang dami ko nang na-blocked. Ganoon na lang ang ginagawa ko.

“Minsan, papatol ako, but in a funny way or papatol ako just to correct.

“Minsan, kailangan mo ring i-correct, immediate correction.

“Parang hindi naman puwede na... minsan kasi yung pananahimik, iisipin ng maraming tao na baka totoo.

“Iko-correct ko lang, but I will not have that exchange with a person.

“Like, I remember when Nate was a baby, toddler siya, actually, may nagsabi na, ‘Ano ba ‘yan, yung anak ni Regine, mukhang mongoloid.’

“I corrected, sabi ko, the politically correct term is Down Syndrome, and my son is not a Down Syndrome.

“But, even if he is, I would look at him the same, I would love him the same. Nothing wrong with that.

“I’m very blessed that he’s not. He’s actually a very smart kid.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN