Dingdong Dantes committed to being a marine reservist

IMAGE Noel Orsal

Dingdong Dantes on being a marine reservist: "Hindi siya isang privilege. You work hard for it, you apply for it, you train for it."


Noong huling linggo ng September ay dumalaw muli si Dingdong Dantes sa Philippine Marines.

Ibinahagi ng aktor ang larawang kuha mula sa pagbisita niya roon, kung saan pumipirma siya sa tila isang dokumento, sa kanyang Instagram account noong September 22.

Caption dito ni Dingdong: “Revisiting and renewing commitments—with our Navy’s Flag Officer in Command, Vice Admiral Mercado.”

Revisiting and renewing commitments-- with our Navy's Flag Officer In Command, Vice Admiral Mercado.

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes) on

Ngunit paglilinaw ng 37-year-old actor, guest book lang ang pinipirmahan niya sa larawan.

Pahayag ni Dingdong, “Kasi 2006 pa lang, nasa reserved force na ko.

“I pay the courtesy visit at binalikan namin ang mga projects na puwedeng gawin in partnership with them. 

“Nilatag namin ang mga projects na yun, at mangyayari na siya this year hanggang sa mga susunod na taon.”

Isa raw sa mga proyektong gagawin nila, in collaboration sa Yes Pinoy Foundation, ay ang pagtuturo ng disaster preparedness sa mga kabataan.

Si Dingdong ang ang chairman ng itinatag niyang Yes Pinoy Foundation.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa taping ng primetime series niyang Alyas Robin Hood, sa Boystown, Marikina City, noong nakaraang linggo.

CALL OF DUTY. Bilang reservist, isa ba siya sa dapat na tumugon at lumaban kung sakaling magkaroon ng giyera sa bansa?

Ayon kay Dingdong, “Depende... may mga prosesong pagdadaanan.

“May mga certain situation that they can call for that.

“There are certain situations na puwedeng hindi naman.

“In time of peace, in fact, mas kailangan ng reservist.

“Namo-mobilize sila, hindi lang sa giyera kung hindi sa pag-assist, like medical assistance, community development, medical mission, etc.

“So, parang it’s really volunteer work... militarized volunteer work.”

Pinagdaanan na rin daw niya ang trainings para maging isang marine reservist noon pang 2006.

Saad pa ni Dingdong, “Hindi siya isang privilege. 

“You work hard for it, you apply for it, you train for it.

“Sa aming grupo, sa aming battalion, isa ako sa mga unang sumailalim ng training.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Magmula nun, nandiyan ang grupo at medyo naging inactive lang ako for a while, siyempre nandiyan ang trabaho ko.

“But my capacity as civilian, tuloy pa rin naman ang mga projects ko that are in line with the group’s advocacy.”

Bakit niya pinasok ang pagiging marine?

“Lumaki kasi ako sa family of service men, so yung grandfather ko was with the Philippine Constabulary.

“Yung mga tito ko ay nasa serbisyo rin.

“I think it’s in the blood,” sabi ni Dingdong.

Posible rin daw na naging sundalo ang Kapuso Primetime King kung hindi siya nag-artista.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN