Ai-Ai delas Alas refuses to answer all questions about Kris Aquino: "Ayoko na ng negativity sa katawan."

IMAGE Noel Orsal

Ai-Ai delas Alas says she wants to focus on positive things as she shuts down questions about Kris Aquino.


Umiwas na si Comedy Queen Ai-Ai delas Alas na magbigay ng anumang komento tungkol kay Kris Aquino nang makaharap siya ng reporters sa press conference ng bago niyang pelikula, ang Besh and the Beshies, noong October 2.

Katuwiran niya, “Ayoko na ng negativity sa katawan. 

“Kapag tungkol sa friendship, happy na lang ako.”

Tungkol sa pagkakaibigan ang tema ng bago niyang pelikula, kung saan kasama ni Ai-Ai sina Zsa Zsa Padilla, Beauty Gonzalez, at Carmi Martin.

Dahil dito ay hindi maiwasang maungkat ang balitang hindi imbitado si Kris sa nalalapit na kasal ni Ai-Ai at ng boyfriend nitong si Gerald Sibayan.

Naging mabuting magkaibigan ang dalawang aktres noong pareho pa silang nasa bakuran ng ABS-CBN.

Ngunit nagkalamat ang kanilang pagkakaibigan sa isang personal na dahilan.

Bagamat nagkaayos na rin naman sila, hindi na nanumbalik ang dati nilang samahan.

Pag-iwas pa ni Ai-Ai, “Marami naman akong friends sa showbiz, so huwag niyo na akong tanungin tungkol dun.” 

Isa ba sa paraan niya ng pagtanggal ng “negativity” ay ang pag-iwas sa isyung ito?

“Yes,” pagsang-ayon ng 52-year-old Kapuso star.

“Ayoko nang sumagot tungkol dun kasi, ano naman, wala namang magandang naidudulot kahit na anong isagot ko.

“Positive man or negative, it’s always negative.” 

Patuloy ni Ai-Ai, “Siguro sa buhay natin, minsan mas maganda yung lahat tayo ay positive. Huwag nating bibigyan ng negativity.

“Kasi, kapag nag-start ng negativity, magiging negative ang buong aspeto ng buhay mo, e—sa friends, sa family.

"So, positive lang tayo."

Pero nakikita ba niyang manunumbalik pa ang pagkakaibigan nila ni Kris? 

Diin ni Ai-Ai, “Ayoko nang sagutin ‘yan kasi dun na naman ‘yan mag-i-start. 

“Anything about sa tanong niyo about her, hindi na.” 

FRIENDSHIP MATTERS. Samantala, nabanggit ng co-star ni Ai-Ai sa Bes and the Beshies na si Zsa Zsa Padilla na kapag daw tumatanda na ay hindi na masyadong demanding pagdating sa friendship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Zsa Zsa ay malapit na kaibigan ni Kris.

Hindi ba ito naging isyu sa pagitan nina Ai-Ai at Zsa Zsa?

Tugon ni Ai-Ai, “Hindi naman... ano naman kami ni Ms. ZsaZhing, okey naman ang bonding namin.

“Beshie ko siya dito sa movie. 

“Ano ko siya, acquaintance. At saka kami ni Carmi, ganun din.  

“Si Carmi before, parang naging medyo close kami, kasi nagkasama kami...

"Basta may something kaming pinagsamahan kaya medyo naging close kami."

Patuloy pa ng komedyante, “Ganun naman sa showbiz. 

“Halimbawa, nagkasama kayo sa ganitong film or show or teleserye, nagiging close talaga kayo.”

Sa totoong buhay, sino ang Top 3 beshies niya?

Sagot ni Ai-Ai, “Si Allan K, si Arnell Ignacio, at saka si Mega—si Sharon Cuneta. 

“Si Eugene [Domingo]... marami, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN