Ogie Diaz's singer friend claims Xander Ford is "mayabang"

IMAGE Noel Orsal / @imxanderford on Instagram

Feeling sikat na nga ba talaga si Xander Ford (kanan)? Ayon sa FB post ni Ogie Diaz (kaliwa), mukhang nag-iba na raw ito ng ugali matapos maretoke ang mukha.


"Mayabang."

Ito ang obserbasyon ng kaibigang singer ng comedian/talent manager/radio host na si Ogie Diaz.

Ayon sa Facebook post ni Ogie kagabi, October 6, nakasama niya sa taping ng programang Home Sweetie Home na kanyang kinabibilangan ang dating si Marlou Arizala na ngayon ay kilala na bilang si Xander Ford.

Dagdag pa ni Ogie sa kanyang Facebook status, sinabi daw ng kaibigan niyang singer na mayabang si Xander.

May nasaksihan daw kasi ang singer na eksena sa lobby ng ABS-CBN.

Ayon sa post ni Ogie, “Taping ng Home Sweetie Home kanina. Guest si Xander Ford.

“Sa hallway, daming nagpa-picture sa kanya.

“Kitang-kita ko yon, kasama ko ang isang babaing singer.”

Sabi ng kaibigan ni Ogie sa kanya, "Kuya Ogie, halika na. Ayoko 'yan. Hindi ko gusto 'yan. Mayabang 'yan.”

Tanong niya dito, “Baket mayabang?"

Tugon daw nito, “Nakasabay ko 'yan nung isang araw sa lobby ng ABS-CBN. Lumapit siya sa guwardya, sabi niya, 'Guard, guard! Papasukin mo 'ko. Ako si Xander Ford!'"

Pagtatapos ni Ogie, “Ohhh, di ba? Ang syoray ng Lolo Xander n'yo. Hahaha!”

Kinumpirma rin ito ng kaibigan ni Ogie na si Allan Nazareno, na nagtatrabaho din sa ABS-CBN.

Sabi ni Allan, “Korek! Mamshie Ogie Diaz sinagawan ung marshall nung isang gabe (wed taping of ggv)

“Di daw sya papasok pg di pinapasok manager nia. Hahahaha.”

BAD ATTITUDE? Sa comments section, tila marami ang nagsasabing nag-iba na ang ugali ni Xander: yumabang na raw ito simula nang magbago ang mukha dahil sa retokeng ginawa rito.

Komento ng aktres na si Aiko Melendez, “Eh di wow ha.”

Ayon sa kaibigan ni Ogie na si Allan, umiwas daw si Xander na pagkaguluhan sa hallway ng ABS-CBN kaya nagtakip daw ito ng mukha.

Sa sariling salita ni Allan: “Tpos nung pagEnter Sa Hallway ng Main Bldng Papuntang dressing rm syempre madadaanan nia ung studio4 kung saan kami ngtaping din Nung makita niang maraming tao ung hooded niang jacket sinaklob ng buo sa mukha at lakad bigstar...hahahaahaha.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Phaulo Bensan, “Daming posts regarding sa pagiging mayabang nya simula nung nag pa retoke sya. Tsk tsk very bad... ultimo dati nung wala pang retoke sakniya madami din po issues na lumalabas.”

Marami pang komento ang netizens tungkol sa sinasabing kayabangan ni Xander.

FIVE COMPANIONS? May isa pang post si Ogie kagabi rin. Nakita daw niya si Xander na paalis na sa isang coffee shop sa ABS-CBN at naka-neck pillow daw.

Aniya, “Just in: I saw Xander Ford leaving Starbucks with 5 companions. Naka-neck pillow na neon green. Boarding na siguro.”

Marami naman ang natawa sa post na ito ni Ogie dahil nasa ABS-CBN na daw ba ang airport at naka-neck pillow pa si Xander.

Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa maaring ihayag ni Xander sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN