Xander Ford: "Lahat ng inaapi po ay umaangat."

IMAGE Photo grabbed from Rated K

Internet sensation Xander Ford speaks up on why he acts mayabang: "Yung feeling pogi, feeling cool kid, feeling mayaman, ganon. Kasi dumadami yung views… more on bash, more on views."


Dinepensahan ni Xander Ford ang sarili mula sa patuloy na pambabatikos at pang-aalipusta sa kanya ng ilang netizens.

Naging kontrobersiyal si Xander—na dating kilala bilang Marlou Arizala—nang sumailalim siya sa cosmetic surgery upang ipaayos ang kanyang mukha.

Tinutukan ng Rated K, ang Sunday TV-magazine show ng ABS-CBN, ang prosesong pinagdaanan ng social media sensation para sa kanyang major makeover.


Stories We Are Tracking

Marlou Arizala gets nose job; changes name to Xander Ford
Marlou Arizala gets nose job; changes name to Xander Ford

Lalong naging kontrobersiyal si Xander nang ibahagi ng ABS-CBN talent manager/radio host na si Ogie Diaz ang balitang pagiging mayabang umano ni Xander sa ilang insidente.

Humingi ng paumanhin si Xander kay Ogie, bagamat ipinagtanggol niya ang sarili mula sa pamumuna ng iba sa kanyang kilos.


Stories We Are Tracking

Ogie Diaz stands by his stories on Xander Ford's attitude
Ogie Diaz stands by his stories on Xander Ford's attitude
Xander Ford apologizes to Ogie Diaz
Xander Ford apologizes to Ogie Diaz

ON BEING MAYABANG. Sa episode ng Rated K nitong Linggo, October 8, tinanong ng host na si Korina Sanchez kung sa pakiramdam ni Xander ay mayabang nga siya.

Sagot ni Xander, “Sa karakter ko po kasi, kailangang maging mayabang tingnan.

“Yung feeling pogi, feeling cool kid, feeling mayaman, ganun.

“Kasi dumadami yung views… more on bash, more on views.”

Ang tinutukoy ni Xander ay ang mga video na ina-upload sa internet.

Hindi raw siya nasasaktan sa panlalait sa kanyang hitsura, gaya ng pagsasabing ipinaglihi siya sa sama ng loob.

“Sa akin, okay lang, e. Sa magulang ko, masakit yun.

"Sabi nga ng magulang ko, 'Kung ano ka nung buhay, tatanggapin ka namin, kasi anak ka namin, e.'"

May mensahe rin si Xander sa mga patuloy na namba-bash sa kanya.

“Okay lang po kahit i-bash niyo po ako. Okay lang po kahit laitin niyo ako.

"Okay lang po kahit hindi niyo ako matanggap.

"Pero ito pong ginawa kong ‘to, para po ito sa inyo, para po sa mga magulang ko.

“Dahil po sa inyo, ginawa ko po itong pangarap ko.

"Ito pong pangarap ko, blessing po ito ng Panginoon.

"Dahil po sa mga tumulong sa 'kin, nagpapatunay lang po, lahat ng inaapi po ay umaangat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibihagi rin ng binata na sa pagbabago ng kanyang hitsura, kakalimutan na rin niya ang mga pambu-bully at panlalait sa kanya.

“Tulad po ng dating sinabi ko po, once na binago ko na yung mukha ko, nagpa-surgery na ‘ko, kakalimutan ko na yung nakaraan ng bash, ng mga hinanakit, yung mga galit, poot, kakalimutan ko na lahat yun.

“Magiging malinis na uli ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN