Kaye Abad defends ex-boyfriend John Lloyd Cruz's actions: "Hayaan na lang."

IMAGE Courtesy of Aprica (left)/Noel Orsal (right)

Kaye Abad defends ex-boyfriend John Lloyd Cruz's behavior: "Sabi ko nga, as long as hindi siya pumatay ng tao, hindi naman siya nagnakaw. Wala naman siyang ginawang masama, nag-enjoy lang sila. I guess, public figure, that's why, yun lang."


Suportado ni Kaye Abad ang pagpapahinga muna sa showbiz ng ex-boyfriend at dating onscreen partner niyang si John Lloyd Cruz.


Stories We Are Tracking

John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz
John Lloyd Cruz to take indefinite leave from showbiz

Ayon kay Kaye, maaaring parte ng bakasyon ang pag-alis ng aktor sa bansa.

Nabanggit ni Kaye na may isang mahalagang okasyong dadaluhan si John Lloyd sa ibang bansa.

“I guess nagbakasyon na rin siya. Mahilig siya sa bakasyon,” dagdag pa ng 35-year-old actress.

Umusbong ang pagmamahalan nina Kaye at John Lloyd nang magkasama sila sa dating weekly series ng ABS-CBN na Tabing Ilog (1999-2003).

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kaye sa gender-reveal party na inihanda ng Aprica para sa kanila ng mister niyang si Paul Jake Castillo, na ginanap sa Grillers Steak House, Cebu City, noong Linggo, October 8.


Stories We Are Tracking

Kaye Abad enjoys married life in Cebu, misses teleseryes
Kaye Abad enjoys married life in Cebu, misses teleseryes
Kaye Abad and Paul Jake Castillo expecting a baby boy
Kaye Abad and Paul Jake Castillo expecting a baby boy

Bago ang anunsiyo ng ABS-CBN tungkol sa “indefinite leave of absence” ni John Lloyd mula sa showbiz, naging kontrobersiyal ang mga video ng aktor mula sa isang bakasyon kasama ang rumored girlfriend na si Ellen Adarna dala ng mga larawang ipinost nila sa social media.

Para kay Kaye, hindi dapat agad mahaluan ng intriga ang mga ginagawa ngayon ni John Lloyd, 34.

Pahayag niya, “Wala, e, normal na tao. Ine-enjoy ang buhay.

“Yun ang mahirap sa atin [sa showbiz].

“Sabi ko nga, as long as hindi siya pumatay ng tao, hindi naman siya nagnakaw, wala naman siyang ginawang masama, nag-enjoy lang sila.

“I guess, public figure, that's why, yun lang.”

Tila pakiusap pa ni Kaye sa publiko: “Hayaan na lang. At least masabi niya na na-enjoy niya ang buhay niya.”

Sa huling Instagram post ni Ellen, makikitang kasama ng starlet si John Lloyd Cruz na nag-e-enjoy sa Casablanca, Morocco.


Stories We Are Tracking

Ellen Adarna vacations with John Lloyd Cruz in Morocco
Ellen Adarna vacations with John Lloyd Cruz in Morocco


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN