Mariel de Leon deletes previous tweets; apologizes for choosing wrong words

IMAGE Noel Orsal

Mariel de Leon cleans Twitter account after getting flak for harsh words directed at Joey de Leon, following the latter's insensitive remark about depression.


Kapansin-pansin ang pagbura ni Bb. Pilipinas-International 2017 Mariel de Leon ng kanyang Twitter posts nitong nakaraang weekend.

Kung bibisitahin ang kanyang Twitter account, na may username na @mariaangelicadl, mapapansing ang unang post niya ay noong October 8 lamang.

Ayon sa kanyang profile, March 2016 nagsimulang gumamit ng popular micro-blogging site ang beauty queen na anak ng mga artistang sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.

Nangyari ang pagbura ni Mariel sa kanyang tweets matapos makatanggap ng mga negatibong komento dahil sa post niyang tila pasaring kay Joey de Leon.

Ito ay pagkatapos ng insensitibo at kontrobersiyal na pahayag ng veteran TV host-comedian tungkol sa depression.

Sa October 5 episode ng Eat Bulaga!, sinabi ni Joey: “Yung depression, gawa-gawa lang ng mga tao 'yan.”

Isa si Mariel sa mga celebrity na nag-react sa naging pahayag ni Joey.

Walang binanggit na pangalan ang 23-year-old beauty queen sa kanyang tweet, ngunit marami ang nakapansing pinapasaringan niya ang kaapelyidong si Joey.

Sabi ni Mariel: “Depression isn't a joke. Same last name, but thank God we're not related. Ew.”


Kinabukasan, October 6, pormal na humingi ng paumanhin si Joey sa publiko.

Sabi niya sa live telecast ng Eat Bulaga, "Naging mababaw lang at magaan ang pagtanggap ng inyong lingkod sa salitang 'yan... Nagkamali po ako.”


Stories We Are Tracking

Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression
Maine Mendoza contradicts Joey de Leon's view of depression
Joey de Leon apologizes for remark about depression
Joey de Leon apologizes for remark about depression

APOLOGY. Humingi naman ng paumanhin si Mariel, sa kanyang post noong Lunes, October 9, para sa hindi magagandang salitang nagamit niya sa pahayag tungkol sa anxiety at depression.

Aniya, “I'm a very passionate person. Especially when it comes to matters close to my heart. Most especially anxiety and depression because I know how hard the struggle is.

“I admit that my emotions do get the better of me and the words I choose may come out wrong at times.

“For that I do apologize.

“I'm still young but I know that isn't an excuse. I'm still learning and going through life day by day.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabila ng pagbura niya ng kanyang tweets, nilinaw ni Mariel na patuloy pa rin siyang maninindigan sa mga paniniwalang sa tingin niya ay tama.

Sabi niya, “However, I stand by my beliefs and I will still fight for what is right.

“I keep my advocacies close to my heart and I'll always be voicing out my opinions passionately. It is a privilege to have a platform and a voice.

“And I will strive to use it with due respect and fairness.”

Ayon naman sa ulat ni Gorgy Rula sa Abante Tonite kahapon, October 10, pinagsabihan daw ni Sandy ang kanyang anak dahil sa Twitter post nito.

Bago ang tweet niya tungkol sa depression, ginamit na rin ni Mariel ang Twitter upang ipahayag ang kanyang opinyon sa mga napapanahong isyu sa bansa.


Stories We Are Tracking

Beauty queen Mariel de Leon brushes off bashers
Beauty queen Mariel de Leon brushes off bashers
Mariel de Leon thumbs down Mocha Uson's appointment
Mariel de Leon thumbs down Mocha Uson's appointment


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN