Empoy Marquez says no to cosmetic surgery: "Kung ano po ang ibinigay ni God sa akin, yun po ako."

IMAGE Noel Orsal

Empoy Marquez is now called the "new pogi." Has he gotten so hot that fake news feeders are chasing him, too?


Kuntento na raw si Empoy Marquez sa kanyang hitsura kaya hindi raw siya sasailalim sa cosmetic surgery.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang pagpaparetoke ng social media sensation na si Marlou Arizala, na kilala na ngayon bilang Xander Ford.

Kaya naitanong kay Empoy ang tungkol dito sa presscon ng bagong pelikula niya, ang The Barker, noong October 6.

Sagot ng 36-year-old comedian, “Hindi po, hindi po pumasok sa isip ko yung ganun, e. 

“Hindi na po Empoy pag ganun... iba na ang pangalan.

“Kung ano po ang ibinigay ni God sa akin, yun po ako.”
 
Pero may mga nabago na ba sa kanya matapos magtagumpay ang pelikula nila ni Alessandra de Rossi na Kita Kita?
 
Biro muna ni Empoy, “Yung buhok ko po, nabago po.

"Ngayon po, mas mukhang tomboy na po ako ngayon.” 
 
Pero seryoso niyang dagdag, “Marami pong nabago, pero lahat po ng pagbabagong yun, utang na loob ko sa nasa Itaas.

“Kung ano po ang nakikita ng mga tao sa akin ngayon, yun po ay blessing po ni God sa akin.
 
“Nagpapasalamat po ako sa pagkakataong yun.”
 
Mas conscious ba siya sa ikinikilos ngayon dahil baka masabihang nagbago o yumabang na?
 
“Hindi po, kasi po palagi pong nasa tabi ko si Lord,” tugon ni Empoy.

THE NEW POGI. The “New Pogi” na ang turing kay Empoy ngayon dahil na rin sa leading-man role niya sa Kita Kita.

Nararamdaman ba niyang lapitin na siya ngayon ng girls?
 
“Hindi po, hindi po bago, kasi grade one pa lang ako, ganito na ako, e!” biro na naman niya.

Nabiktima na rin daw ng fake news si Empoy.

May lumabas kasing larawan ng bahay niya diumano na may swimming pool.

Pakuwelang sabi ng Kapamilya comedian, “Yung bahay na may swimming pool, may fake news na ganun. 

“Tawang-tawa lang po ako, nakatatlong tawa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos noong nakita ko ulit, naka-thirty-six na tawa 'ko.”
 
Hindi raw niya bahay ang nasa news.

May bahay naman daw siya, sa Baliaug, Bulacan, pero matagal na raw ito.

Sabi pa ni Empoy, “2009 pa po yun, ni-renovate ko po at saka ko prinisent dun sa YES! Magazine.”

Si Empoy ang nasa main cover ng October 2017 issue ng YES!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN