Aiko Melendez wishes ex-boyfriend Aga Muhlach good luck on his comeback

IMAGE Noel Orsal

Aiko Melendez to ex-boyfriend Aga Muhlach: "It's nice to have you back. We miss you. The industry misses you. Sana gumawa ka pa ng maraming pelikula."


Nagkasabay ang premiere ng pelikula ni Aiko Melendez na Balatkayo, at ang premiere ng pelikula ng ex-boyfriend na si Aga Muhlach na Seven Sundays.

Ginanap ang premiere ng dalawang pelikula sa SM Megamall, Martes ng gabi, October 10.

Biro ng aktres nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Napatapat nga kami ni Aga. Mamaya dadalawin ko siya.”

Nagbigay rin ng mensahe si Aiko, 41, para kay Aga, 48, na nagbabalik sa pag-arte pagkatapos ng maraming taon.

“Good luck, Aga. Welcome back sa industry.

“It’s nice to have you back. We miss you. The industry misses you.

“Sana gumawa ka pa ng maraming pelikula."

Biro pa ni Aiko, “And sana gumawa tayo ng remake ng May Minamahal Part 2. Basta walang magseselos!” 

Ang May Minamahal ay ang pinagbidahang pelikula nina Aiko at Aga noong 1993.

Idinirek ito ni Jose Javier Reyes para sa Star Cinema.

Habang ginagawa nila ang pelikula ay nagkaroon ng relasyon sina Aiko at Aga.


Si Aga ay 16 taon nang kasal sa misis niyang si Charlene Gonzalez at mayroon silang kambal na anak—sina Atasha at Andres.

Si Aiko naman ay dalawang beses nagpakasal at nakipaghiwalay; una sa aktor na si Jomari Yllana at pangalawa sa chef na si Martin Jickain.

Mayroon siyang tig-iisang anak mula sa dalawa niyang naging asawa.

ARA MINA. Samantala, natanong din si Aiko tungkol kay Ara Mina matapos ang kanilang pagbabati kamakailan.

Nagkita at lumabas na ba sila ulit?

Tugon niya, “No, not yet, kasi I’m very busy with Wildflower taping almost every day of my life. So, I really don’t know.

“But I’m really looking forward in seeing her.

“Kasi we’re textmates na now. So, that’s an edge now, di ba?”

Ang Wildflower ay ang afternoon drama series ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN