Empoy Marquez clarifies rumored romance with Shy Carlos; prefers non-showbiz girlfriend

IMAGE Noel Orsal

Empoy Marquez (in photo, with Shy Carlos) says he is putting career first before romantic relationships. "Sa lahat ng mga tinatamasa ko ngayon, galing po sa Kanya. Sobrang iniingatan ko," says the comedian.


Binigyang-linaw ni Empoy Marquez ang walang tigil na pambubuyo sa kanya ni Dennis Padilla kay Shy Carlos sa presscon ng pelikulang The Barker noong October 6.

Sina Empoy at Shy ang magkatambal sa pelikulang ito na idinirek ni Dennis.

Ayon sa 36-year-old comedian, "Yun po, dahil magkatambal kami, kaya ginaganun ni Dennis. Pero di ko alam..."

Biro pa niya tungkol sa magandang 22-year-old leading lady, "Cute naman. Cute naman." 

Sa tingin ba niya ay girlfriend-material si Shy?

Diretsong sagot ni Empoy, "Puwede naman, puwede.

"Okey siya na... mestiza, ayan, kakaiba.

"At saka, mabait, ayun."

Kung mabibigyan ba siya ng pagkakataon ay liligawan niya si Shy?

Sagot ni Empoy, mimicking the answer of many young stars, "Sa akin po, career muna.

"Kasi, yung love, nakakapag-wait naman."

Dagdag pa niya, "Single ako ngayon, two years [na]."

Sino ang huling naging girlfriend niya?

Nakangiting sagot niya, sabay iling, "Nag-asawa na. Nag-asawa na.

"Naka-move on [na ako]. Non-showbiz siya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Empoy sa presscon ng The Barker, na ginanap sa Le Reve Events Place, sa Quezon City, noong October 6.

OUTSIDE THE LIMELIGHT. Sa kabila ng masakit na karanasan niyang ito sa isang hindi taga-showbiz, pipiliin pa rin daw ni Empoy ang isang non-showbiz girl bilang nobya.

Aniya, "Non-showbiz. Para quiet life.

"Mas okey sa akin ang non [showbiz girl]."

Marami rin namang showbiz couples ang matagumpay ang married life. Hindi ba siya nai-inspire sa mga ito?

Pagsang-ayon naman ni Empoy, "Yes po.

"If ever, kung makatsamba, di ba?"

Nag-iisip na rin ba siyang lumagay sa tahimik?

"At this point, at the age of thirties, dun naman papunta ang lahat,” tugon ng pinakabagong box-office comedian.

"Pero siguro, sa ngayon po, career muna.

"Pero, still waiting po sa ganung pagkakataon... family muna."

Sa ngayon daw ay nag-e-enjoy muna si Empoy sa magandang takbo ng kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Kasi ito po ang ibinigay sa akin ni Lord.

"Yun yung long-time ago na... thankful po ako, kasi sa lahat ng mga tinatamasa ko ngayon, galing po sa Kanya.

"Sobrang iniingatan ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN