Robi Domingo on ex-girlfriend Gretchen Ho: "It will take lots of time for us to heal."

IMAGE Noel Orsal

Robi Domingo on why he can't be friends with ex-girlfriend Gretchen Ho just yet: "It's not instantaneous na, 'Uy wala muna. Hindi tayo mag-boyfriend-girfriend, pero friends tayo.' It's not gonna happen. Kasi may feelings pa rin na nasasaktan."


Inamin ni Robi Domingo, 28, na hindi pa tuluyang naghihilom ang sugat na dala ng hiwalayan nila ng dating girlfriend na si Gretchen Ho, 27.

Bagamat may mga pagkakataong nagkukrus ang kanilang landas dahil sa trabaho, sinabi ni Robi na hindi pa nagkakaroon ng pagkakataong magkausap ulit sila ni Gretchen bilang magkaibigan.

Ayon sa Kapamilya TV host, “I really can’t say na friends-friends talaga.

“Whenever we have work, backstage, nagkikita kami...

“Pero hindi kami nagmi-message. Hindi kami tumatawag sa isa’t isa.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robi pagkatapos ng presscon para sa One Musix X, na ginanap sa ELJ Building ng ABS-CBN, noong October 10.

Si Robi ang isa sa co-hosts ng nabanggit na OPM music festival na gaganapin sa Dubai, UAE, sa November 3.

A TIME TO HEAL. Ayon kay Robi, masakit para sa kanyang nauwi sa hiwalayan ang mahigit apat na taong relasyon nila ni Gretchen.

Kaya hindi raw ganoon kadaling manumbalik ang pagkakaibigan at bukas na komunikasyon sa pagitan nila.

Paliwanag niya, “What I mean is, we have a long history—four years din kami.

"One year ko rin siyang niligawan, almost five years kami together.

“So, it’s not instantaneous na, ‘Uy, wala muna. Hindi tayo mag-boyfriend-girlfriend, pero friends tayo.’

“It’s not gonna happen. Kasi may feelings pa rin na nasasaktan.

“I think it will take lots of time for us to heal para kami makapag-usap.

“Pero hindi man mangyari yun, whatever happens, ‘andito ako para sa kanya, nakasuporta.”

STILL IN LIMBO. Sampung buwan na ang lumipas mula nang mag-break sila.

Pero sa ngayon, hindi pa raw handa si Robi na makipagrelasyong muli.

Paliwanag niya, “Nandun pa rin ako sa limbo.

“Wala pa akong naiisip or hindi ko pa napi-feel na kailangan kong maghanap.

“Wala pa yung urge na, ‘Uy, kailangan mong manligaw. Or kailangan mo nang lumabas, to be out with friends. Mag-date ka na.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Feeling ko, hindi pa siya panahon for that, kasi I don’t know what’s happening in my life.”

Trabaho lang daw muna ang inaatupag ni Robi ngayon.

“In terms of sa personal angle, wala pa akong alam na mangyari, lalung-lalo na sa love.

“Pero yung buhay ko sa trabaho, I know what I want right now, and I will get it.”

Tingin ba niya ay mas madaling mag-move on ang lalaki kaysa sa babae?

Sagot ni Robi, “Medyo na-realize ko, hindi rin pala. Kasi, for the past years, ewan ko…

“For the past years, before Gretchen, naghahanap ako ng someone to be with.

“Kasi siyempre lalaki, e.”

Pabirong hirit ni Robi sabay turo sa kanyang mukha, “Ito, sayang, di ba? Baka magalit sa akin si Lord kapag di ko ginamit.”

Pagkatapos ay sumeryoso si Robi at sinabing, “Pero yun, I’ve been single for a long time.

“And the weird thing about is hindi ako naghahanap ng someone.”


Stories We Are Tracking

Robi Domingo on meeting Sandara Park:
Robi Domingo on meeting Sandara Park: "Wala namang malisya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN