Vice Ganda vows to continue making "sad, lonely, down" people happy

IMAGE Noel Orsal

While Vice Ganda admits to feeling tired, he is determined to cheer people up, especially those who are "sad, lonely, and down." 


Determinado si Vice Ganda na ipagpatuloy ang pagpapasaya ng mga tao, sa kabila ng pagod na kanyang nararamdaman dahil sa trabaho.

Marami raw kasi ngayon ang “sad, lonely and down.”

Ito ang mensahe ni Vice sa kanyang Twitter account nitong Miyerkules, October 11.

Ayon pa sa 41-year-old comedian-TV host, hindi siya titigil na magpangiti ng mga tao.

“I wanna make them smile,” tweet niya.

Tila napapanahon ang mensaheng ito ni Vice dahil mainit na usapin ngayon ang tungkol sa depression.

Katulad na lamang ng pinagdaraanan ngayon ng kanyang co-host sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime—si Nadine Lustre.

Nagdadalamhati ngayon ang 23-anyos na aktres dahil sa pagkamatay ng kanyang nakababatang kapatid.

Hinihinalang nag-suicide ang kapatid nitong si Isaiah Lustre, 16, dahil sa matinding depresyon.

Maging si Nadine ay umaming nakararanas din ng depresyon.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre kin confirms death of star's brother; suicide?
Nadine Lustre kin confirms death of star's brother; suicide?
Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre reveals own battle with depression
Nadine Lustre reveals own battle with depression
Nadine Lustre discovers late brother's heartache, depression
Nadine Lustre discovers late brother's heartache, depression

Isang netizen naman ang nag-tweet kay Vice at sinabing hindi niya kailangang maging “hero” sa lahat.

Sagot dito ng box-office star, “I dont have to but i want to.

“The MadlangPeople changed my life.

"In return i wanna make a difference in their lives by making them happy."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN