Rodjun Cruz on engagement to longtime girlfriend Dianne Medina: "Para akong lumulutang."

IMAGE Courtesy: @rodjuncruz on Instagram

Hindi raw makapaniwala si Rodjun Cruz sa suportang natanggap niya mula sa pamilya at netizens matapos siyang mag-propose sa longtime girlfriend na si Dianne Medina. Sa ngayon, wala pang detalye kung kailan magpapakasal ang dalawa. 


“Para akong lumulutang.”

Ito raw ang pakiramdam ng aktor na si Rodjun Cruz, 30, matapos niyang mag-propose sa longtime girlfriend niyang si Dianne Medina, 30.

Hindi rin daw inaasahan ng Kapuso hunk na marami ang magpapakita ng suporta sa kanila.

Pahayag ni Rodjun sa panayam ng GMA News Online ngayong Biyernes, October 13, "Iba, e, para akong lumulutang. Parang overwhelming yung feeling.

"Kasi, siyempre, na nag-yes sa akin si Dianne, tapos yung feeling na alam mong naka-support pa yung family sa 'yo.

“Na happy sila para sa amin."

Nag-propose si Rodjun kay Dianne, na kasintahan niya sa loob ng sampung taon, sa Boracay noong Martes, October 10.

Itinaon ito ng aktor sa selebrasyon ng kanyang ika-30 kaarawan.


Stories We Are Tracking

Rodjun Cruz is now engaged to longtime GF Dianne Medina
Rodjun Cruz is now engaged to longtime GF Dianne Medina

Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong kaarawan ko ay ang matamis mong oo!??????????????

A post shared by Rodjun Cruz (@rodjuncruz) on

Hindi rin daw makapaniwala si Rodjun na pati ang mga taong hindi niya kilala ay nag-congratulate sa kanila ni Dianne sa social media.

Ang pinakamagandang regalo na natanggap ko ngayong kaarawan ko ay ang matamis mong oo!??????????????

A post shared by Rodjun Cruz (@rodjuncruz) on

Saad ng kuya ni Rayver Cruz, “Yung mga tao, parang grabe yung mga... ang daming nag-congratulate, tsaka ang dami nilang magagandang sinabi sa amin ni Dianne.

"Parang naka-support sila, so sobrang overwhelming yung feeling and blessed talaga.

“Parang sulit na sulit yung 30th birthday ko, tapos nakapag-propose ako kay Dianne.

“Siyempre, ten years na rin kami ni Dianne, e, so sobrang happy ako na happy din siya and nag-yes siya sa akin."

Sa Instagram, nagpasalamat ang newly-engaged couple sa lahat ng sumuporta sa kanilang dalawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN