Maxine Medina believes Winwyn Marquez has fighting chance in Reina Hispanoamericana pageant

IMAGE Noel Orsal

Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina believes that reigning Miss Reina Hispanoamericana Filipinas Winwyn Marquez stands a good chance of bagging the Reina Hispanoamericana crown: "Bakit hindi, di ba? Ang dami-daming Pilipina na magaganda, matatalino, mas magagaling kaysa sa ibang countries na girls. And I mean, well, bakit hindi?"


Naniniwala si Maxine Medina, kinatawan ng Pilipinas sa 2016 Miss Universe pageant, na malaki ang tsansa ni Winwyn Marquez sa Reina Hispanoamerican pageant.

Paniwala kasi nitong laging malaki ang tsansa ng mga Pinay na manalo sa mga international beauty pageants.

Binigay niya ang kanyang opinyon kaugnay sa discrimination na hinaharap ni Winwyn Marquez sa pagsali niya sa Reina Hispanoamericana pageant na gagawin sa Bolivia ngayong November.

Read: Winwyn Marquez reveals discrimination as first Pinay candidate in Reina Hispanoamericana

Kinukuwestyon diumano ng mga Latin at Spanish-speaking countries ang paglahok ng Pilipinas sa naturang pageant sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon sa kanila, ito'y dahil hindi naman daw isang Spanish-speaking country ang Pilipinas, at bukod dito, hindi rin daw ito parte ng Latin America.

Komento ni Maxine tungkol dito, “Bakit hindi? Bakit hindi, di ba?

“Ang dami-daming Pilipina na magaganda, matatalino, mas magagaling kaysa sa ibang countries na girls.

“And I mean, well, bakit hindi?

“We should be proud, yun na lang, for her na sasali siya sa ganitong pageant, although I’m not familiar with this pageant, ha?

“Pero in any case, kahit anong pageant pa 'yan, basta I’m all the way to support a Filipina.”

Mas malaki ang sinasabing pressure kay Winwyn dahil halos lahat ng mga kalahok ay magaganda, sexy, at matatangkad.

Komento pa rin ni Maxine, “Well, kasi lumaban ako ng Miss U.

“Hindi naman sa nag-aano... [nagbubuhat ng bangko], pero kahit sinong ilaban mo na Filipina sa lahat ng pageant, nakakapasok.

“Di ba? Pansinin nyo.

“Saka iba ang beauty ng Filipina. Iba ang galing talaga natin.

“Naa-appreciate ng buong mundo.”

Kung ano raw ang ipinayo kay Maxine ng kanyang mga trainers at supporters noon ay ganundin ang maipapayo niya kay Winwyn.

Aniya, “The usual—enjoy yourself, enjoy the moment.

“Actually, ang dami nang advice na nakukuha ni Winwyn, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero for me talaga, be yourself talaga. Kasi it will show.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Maxine sa nakaraang presscon para sa lalabas na horror-suspense flick na Spirit of the Glass 2: The Haunted.

Pinagbibidahan ito nina Cristine Reyes, Daniel Matsunaga, Benjamin Alves, Dominic Roque, Ashley Ortega, Enrico Cuenca, Aaron Villaflor at Terry Malvar, sa direksyon ni Joey Reyes.

ON MARIEL DE LEON. Samantala, palagi namang nasasalang sa pagpuna ang kapwa niya produktong Bb. Pilipinas na si Bb. Pilipinas International 2017 Mariel De Leon dahil sa mga matatapang at maaanghang nitong posts sa social media laban sa pamahalaan ng Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang current issues.

Marami ang nag-aalala na baka raw makaapekto ang kanyang mga opinyon sa dami ng inaasahan niyang mga Pinoy supporters sa nalalapit na 57th Miss International pageant na gaganapin sa Tokyo, Japan, sa November 14.

Nag-isip muna si Maxine at saka nag-comment, “There’s nothing wrong in proving yourself, pero... well, it’s her game plan, e. “

Masasabi ba niyang close siya kay Mariel?

Lahad niya, “Not really.

“Pero nakakausap ko siya before, bago siya lumaban ng Binibini.”

“Siguro Mariel is different from other girls, and gusto lang niyang ipakita kung sino talaga yung totoong siya.

“Well, wala naman sigurong masama kung magbibigay ka ng opinyon.

“Kahit sinong beauty queen nagbibigay ng opinyon niya thru social media, di ba?

“And everyone is bashed.

“At the end of the day, siya pa rin yung isisigaw natin, Philippines pa rin, so we have to support her.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN