Anne Curtis tells off Nadine Lustre's basher: "You are a horrible person."

IMAGE Screengrab from It's Showtime

"You are a horrible person," Anne Curtis tells a Twitter user who posted an insensitive comment about her It's Showtime co-host Nadine Lustre.


Ipinagtanggol ni Anne Curtis, 32, ang kanyang It's Showtime co-host na si Nadine Lustre, 23, laban sa isang basher.

Sa pamamagitan ng Twitter post, sinabihan ni Anne ang isang basher ng “back off” dahil sa insensitive comment nito laban kay Nadine.

Nagbalik na sa noontime show si Nadine kahapon, October 16, kahit nagluluksa pa ito sa pagpanaw ng kanyang nakababatang kapatid na si Isaiah Lustre.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre breaks silence on teenage brother's death
Nadine Lustre reveals own battle with depression
Nadine Lustre reveals own battle with depression

Isang JaDine fan ang nag-post ng performance nina Anne at Nadine sa It's Showtime kahapon.

Sa post na ito, nagbigay ng negatibong komento ang Twitter user na si @kathxnielonly: “Namatayan na nga, nagagawa pang mag inarte na ganyan. Advocacy pang keep going ulul #OwnWhoYouAre pa rin without pretentions”

Base sa user name ng Twitter user, tila fan ito ng tambalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na KathNiel.

Ipinagtanggol naman ni Anne si Nadine at sinabi sa basher: “You are a horrible person. You never know what a person is going through or how they deal with whatever it is they are feeling. So back off.”

Agad namang pinasalamatan ng JaDine fans si Anne dahil sa pagtatanggol nito kay Nadine.

Sina Anne, Nadine, at Ryan Bang ang magkakasama sa grupo para sa “Magpasikat 2017” segment ng It's Showtime.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN