Alessandra de Rossi on artists switching networks: "Hayaan niyo silang magtrabaho kung saan nila gusto."

IMAGE Noel Orsal

"May pinapakain 'yang mga 'yan, hayaan niyo silang magtrabaho kung saan nila gustong magtrabaho," stresses Alessandra de Rossi when asked about what she thinks of artists switching networks.


Isa si Alessandra de Rossi sa mga artistang malayang nakakapagtrabaho sa iba't ibang networks.

Kaya hindi raw niya maintindihan kung bakit marami sa mga artista ang pinipigilang lumabas sa ibang network.

Matapang na pahayag ng 33-year-old actress, “Alam mo, sa totoo lang kasi, hindi ko alam kung paano nauso 'yang hindi puwedeng magtrabaho kahit saan.

“Minsan, aminin na natin, ang dami-dami niyong artista, tatlo lang naman pinapansin niyo.

“May pinapakain 'yang mga ‘yan, hayaan niyo silang magtrabaho kung saan nila gustong magtrabaho.”

Patuloy ni Alex, “Naranasan ko na ‘yan, yung walang pambayad ng bahay, yung…

“Maawa kayo, maawa kayo sa mga artista, kasi wala naman kaming ibang source of income.

“Hindi kami kagaya ng network na kahit sinong artista ang ilagay namin diyan, kumikita kami.”

Sinasabi raw niya ang ganitong saloobin sa management kapag nagkukuwentuhan sila ng TV executives.

“Oo, matapang kasi ako sa ganyan, e.”

Ano ang reaksiyon ng mga boss?

“Natatawa lang!” bulalas ni Alex.

Hindi ba siya sineseryoso ng mga ito?

“Hindi naman, parang natutuwa lang sila na may taong ganung ka-honest, na hindi natatakot magsabi sa kanila ng ganun.

“Pero siyempre, knowing me na hindi mo nga alam lagi kung joke o hindi, di ba?

“So… ganun talaga.” 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alessandra sa presscon ng Viva Films movie na 12, kung saan siya at ang newbie actor na si Ivan Padilla ang mga bida.

Ginanap ang presscon sa Le Reve Events Place, sa Quezon City, noong October 11.

GMA-7 VS. ABS-CBN. Bagamat mas madalas siyang napapanood ngayon sa ABS-CBN, nilinaw ni Alex na wala siyang network contract dito.

Pero magtatrabaho ba siya ulit sa GMA Network?

“Sa ngayon kasi, gumagawa ako ng soap with Papa P [Piolo Pascual].

"Kami ni Arci [Muñoz], kaming dalawa ang leading lady.

“O, takah, leading lady!” bulalas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang pagkakaiba ng dalawang rival networks?

Sagot ni Alex, “Ito si ABS, mag-a-adjust sila kung ano yung makakapagpaligaya sa iyo, papalitan nila yung role.”

Ang GMA-7 ba ay "take it or leave it"?

“Sa pagkakaalala ko... pero mahal ko ang GMA.

"Ganun lang talaga, magkakaibang work."

Sino naman ang mas malaking magbigay ng talent fee?

“Ay, hindi ko na puwedeng sagutin 'yan! Off-cam, kaya ko,” mabilis na sagot ni Alex.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN