Conrad Onglao speaks up about "verbal abuse" accusation, reconciliation with Zsa Zsa Padilla

IMAGE Allan Sancon

Architect Conrad Onglao on reconciliation with Divine Diva Zsa Zsa Padilla: "I think, hindi mo malalaman unless mawala sa 'yo, e, yung value ng isang bagay o isang tao. Parang pareho lang siya nung nagkahiwalay kami. Sinabi rin niyang ganun, na may mga realizations, na parang we cannot be without each other."


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na ang arkitektong si Conrad Onglao, 62, kaugnay ng akusasyong naging "verbally abusive" siya sa singer-actress na si Zsa Zsa Padilla.

Ang usap-usapang ito tungkol sa pag-uugali umano ni Conrad ang dahilan kaya raw sila nagkahiwalay ng Divine Diva noong 2016.

Mariin itong itinanggi ng arkitekto sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa isang restaurant sa SM Megamall, Mandaluyong City, Martes ng gabi, October 17.

Ayon kay Conrad, “Alam mo naman, ang daming… kaya nga kami, hindi na kami nagsasalita nun.

"Kasi, lahat naman ng tao na may mga previous relationship, siyempre pag nagsama kayo, meron kayong pagdadaanan na mga pagsubok or hindi kayo nagkakasundo.

"Normal lang naman yun, e. Pero kasi, hindi ako sanay sa showbiz.

"Ang buhay ko po nun, talagang tahimik lang, and I do it kasi I really support her.

“Siya rin naman sa career ko, sumusuporta rin siya.

"Pero iba ang dumating sa ibang tao, parang lumalala na.

"Kaya mas gustuhin namin na quiet lang kami talaga."

Bago naging sila, si Zsa Zsa ay nagkaroon ng long-time relationship sa Comedy King na si Dolphy, hanggang sa yumao ito noong July 10, 2012, sa edad na 83.

Mayroon silang dalawang anak—sina Zia at Nicole. 

Maliban dito ay may anak din ang Divine Diva sa dating asawang si Dr. Modesto Tatlonghari—ang singer-actress na si Karylle.

Si Conrad naman ay hiwalay na sa dating asawang si Ivy Almario, isang kilalang interior designer, halos 17 taon na ang nakararaan.

Annulled na ang kanilang kasal at mayroon silang dalawang anak na lalaki—sina Kenji at Mikey.

Sa elite circle, kilala raw si Conrad na lapitin ng mga babae.

Nagkaroon daw ng relasyon si Conrad sa isang fashion designer, dating beauty queen, isang sikat na artist, at isang socialite-columnist.


Stories We Are Tracking

Zsa Zsa wants Conrad to be the last man in her life
Zsa Zsa wants Conrad to be the last man in her life
<p>Zsa Zsa Padilla moves out of Dolphy’s house</p>

Zsa Zsa Padilla moves out of Dolphy’s house

Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao break up
Zsa Zsa Padilla and Conrad Onglao break up
Is Zsa Zsa Padilla victim of verbal and emotional abuse?
Is Zsa Zsa Padilla victim of verbal and emotional abuse?

LOVE IS LOVELIER THE SECOND TIME AROUND. “Oo naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ang nakangiting sagot ni Conrad sa tanong kung naniniwala ba siya sa kasabihang "Love is lovelier the second time around."

Marami rin daw siyang realization nang naghiwalay sila ng 53-year-old singer-actress noong April 2016.

Saad ng arkitekto, “Oo, meron naman.

"Talagang ano... I think, hindi mo malalaman unless mawala sa 'yo, e, yung value ng isang bagay o isang tao.

“Parang pareho lang siya nung nagkahiwalay kami.

"Sinabi rin niyang ganun, na may mga realizations, na parang we cannot be without each other."

Ayon kay Conrad, iniyakan niya ang paghihiwalay nila ni Zsa Zsa.

“Oo, sabi niya sa akin, ‘Parang hindi kita nakitang umiyak.’

“Sabi ko, ‘Kasi siguro ang dami kong pinagdaanan.’

"Pero more than kasi dun sa physical na pagluha mo, alam mo yung loob mo, malungkot.

"Hindi mo naman nami-measure lagi yung physical ano...

"Pero ganun din, parang pareho kami na kapag natutulog sa gabi, hindi kaagad nakakatulog, ikot ka nang ikot, maaga ka nagigising.

"Tapos minsan, nakatulala ka lang."

Patuloy niya, "Na-surpass din namin.

"But some people say, 'You get used to it.'

"Parang feeling ko, ako, kahit gaano katagal, I never got used to it.

"And siya rin pala, pareho rin ang pakiramdam niya."

Nakapanayam ng PEP.ph si Conrad bago ang premiere ng pelikulang pinagbibidahan ni Zsa Zsa, ang Bes and the Beshies, sa SM Megamall Cinema 3, kagabi, October 17.


THE RECONCILIATION. Bandang October 2016 ay nagkabalikan sina Conrad at Zsa Zsa.

Paano nila kinaya ang ilang buwang pagkakalayo sa isa’t isa?

Tugon ni Conrad, “Parang ano lang… you’re lost.

"Kaya lang, ang ano ko lang kasi, I’m very busy with my work.

“But, parang ang feeling ko, para ka lang zombie, you go to work because I had my responsibilities to my clients and to my office.

“Kaya dun ko nalaman na siya na nga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa naunang panayam ng PEP.ph kay Zsa Zsa, ikinuwento nitong ilang buwan pagkatapos ng kanilang breakup noong 2016 ay nagkasalubong sila ni Conrad sa isang mall.

Iyon daw ang naging daan upang magkausap silang muli, hanggang sa tuluyan na silang magkabalikan.


Stories We Are Tracking

Zsa Zsa Padilla
Zsa Zsa Padilla "ashamed" of reconciliation with Conrad?

Pahayag naman ni Conrad tungkol sa aksidenteng pagkikita nila noon ni Zsa Zsa, “Ano lang, I just gave her a big hug.

"And then, sinabi ko, 'I’ve been praying for this moment.'

“Parang feeling ko, parang siguro it was meant to be, parang dasal ko na nadinig.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN