Beauty Gonzalez clueless about rumored pregnancy of best friend Ellen Adarna

by Bernie V. Franco
Oct 18, 2017
Beauty Gonzalez (left) on best friend Ellen Adarna and John Lloyd Cruz (right photo): “I can see na nagkakasundo sila and I can see that they really take care of each other. So, parang nakita na nila yung match nila sa isa’t isa."  

Wala raw alam si Beauty Gonzalez tungkol sa napabalitang buntis ang matalik niyang kaibigang si Ellen Adarna.

Bagamat nakakapag-usap sila ng kaibigan, hindi raw niya ito inuusisa tungkol sa mga pribadong bagay.

Paliwanag ni Beauty, “Of course, we get to talk once in a while but, you know, may sarili silang buhay.

"Ang sama naman if I’m going to text her, ‘Uy, buntis ka ba?’ out of nowhere.

"Hindi ko nga alam na may tsismis na ganun."

Nauna nang itinanggi ni Ellen ang isyung buntis siya sa eksklusibo niyang mensahe sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong nakaraang linggo.

STORIES WE ARE TRACKING

Nakausap naman ng PEP.ph at iba pang reporters si Beauty sa premiere ng pelikulang Bes and the Beshie, Martes ng gabi, October 17.

MEANT FOR EACH OTHER. Ano naman ang masasabi ni Beauty sa napapabalitang relasyon ni Ellen sa aktor na si John Lloyd Cruz?

“Matanda na sila, uy, kaya na nila yun kung ano ang gusto nilang gawin,” tugon ng 27-year-old Kapamilya actress.

Continue reading below ↓

Hindi pa tahasang inaamin nina John Lloyd, 34, at Ellen, 29, ang tunay na estado ng kanilang relasyon, subalit sa mga video at larawan sa social media, hindi maikakailang may espesyal na namamagitan sa kanila.

Bukod sa pareho niyang kaibigan sina Ellen at John Lloyd, ninang at ninong ang dalawa ng anak ni Beauty na si Olivia.

Kumbinsido naman si Beauty na masaya sina Ellen at John Lloyd sa kung anuman ang estado ng relasyon nila.

Pahayag niya, “Nakikita naman natin sa Instagram nila, sa kanilang dalawa, na masaya sila.

"And, I guess, wala din akong karapatan magsalita for them.

“But masaya ako para sa kanila. And I’m very happy for both of them.

“I can see na nagkakasundo sila and I can see that they really take care of each other.

"So, parang nakita na nila yung match nila sa isa’t isa."

Binanggit pa ni Beauty, na dating Pinoy Big Brother housemate, na si Ellen ang naging tulay upang makilala niya ang kanyang asawang si Norman Crisologo.

Continue reading below ↓

WATCH: What would Beauty Gonzalez do if she receives Ellen-John Lloyd wedding invitation?

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez (left) on best friend Ellen Adarna and John Lloyd Cruz (right photo): “I can see na nagkakasundo sila and I can see that they really take care of each other. So, parang nakita na nila yung match nila sa isa’t isa."  
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results