Ken Chan has no intention to be the third wheel in Barbie Forteza-Jak Roberto relationship

IMAGE Noel Orsal

Ken Chan on Barbie Forteza: "Mas gusto kong mapanatili ang friendship namin ni Barbie, kaysa maging boyfriend-girlfriend kami. Kasi naniniwala ako na may forever sa friendship."


Walang intensiyon si Ken Chan, 24, na maging third wheel sa relasyon nina Barbie Forteza, 20, at Jak Roberto, 23, sa totoong buhay.

Naging sweet man daw si Ken kay Barbie, leading lady niya sa pelikulang This Time I'll Be Sweeter, pero on a professional level lamang daw ito.

Pero inamin ng Kapuso actor na minsan ay nagkaroon siya ng pagtingin kay Barbie, pero mas nangingibabaw raw ang pagiging magkaibigan nila at ni Jak.

Paminsan-minsan daw ay sumasagi sa isip ni Ken kung bakit hindi niya niligawan si Barbie noong single pa ito.

Nagkasama sina Ken, Barbie, at Jak sa dating primetime series ng GMA Network na Meant To Be.

Pahayag ni Ken, “Minsan, naiisip ko, ‘Ba't ko ba hindi ko ginawa? Bakit hindi ko...’

“Hindi ko alam, kasi siguro mas naniniwala ko dun sa... ayokong masira ang relationship namin ni Barbie bilang magkaibigan.

“Kasi, kapag pinasok namin yung relationship namin na mag-on, mag-girlfriend-boyfriend, e, may posibilidad na masira.”

Ibig kayang sabihin nito ay forever na lang silang magiging magkaibigan?

Tugon ng Kapuso actor, “Hindi ko naman sinasara yung... sinasabi din naman niya na hindi niya isinasara yung pintuan niya para sa lahat.

“Siguro, kasama na ako dun para sa akin.

“So, in time… hindi natin alam, bahala na.”

Kinontra naman ni Ken ang sinabi ng ibang reporters na hinayaan niyang mapunta sa iba si Barbie.

“Hindi ko in-allow na mapunta siya sa iba.

“Hindi ko naman hinayaan na mangyari yun. Na kay Barbie naman kasi.

“Parang sabi ko nga, mas gusto kong mapanatili ang friendship namin ni Barbie, kaysa maging boyfriend-girlfriend kami.

“Kasi naniniwala ako na may forever sa friendship.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ken sa grand medacon ng pelikulang This Time I’ll Be Sweeter, na ginanap sa 38 Valencia Events Place, sa Quezon City, noong October 16.

JAK KNOWS. Hindi kaya mag-react na si Jak sa nire-reveal niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakatawang reaksiyon ni Ken, "Sabi ko kay Jak, ‘Bro, pahiramin mo muna ako, ha?’"

Dagdag niya, “Wala, walang problema. Sobrang okey kami ni Jak.

“At suportado niya ang love team namin ni Barbie.

“Alam ni Jak Roberto na magkaibigan kami ni Barbie, at nirerespeto ko naman yung relationship nila.

“So, I don't think na kailangan ko pang pumasok sa personal relationship nila.

“Basta ako, masaya ako sa pagiging magkaibigan namin ni Barbie at sa working relationship naming lahat.”

Naiinggit ba siya sa relasyon ng dalawa?

Pag-amin ni Ken, “Nakakainggit din pala…

"'Hindi, hindi ako naiinggit.' Pero later on, nakakainggit din pala talaga.

“Alam na namin yun sa isa't isa na nagkakaintindihan na, na ito, para sa trabaho lang.

“Alam naman niya na sobrang close lang kami ni Barbie, na parang magkapatid na kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN