Matteo Guidicelli not pressured by recent engagements of showbiz couples

IMAGE Noel Orsal

Matteo Guidicelli says his decision to propose to girlfriend Sarah Geronimo will not be swayed by other people's engagements. "Hindi dapat tayo ma-pressure dahil marriage life is something else."


Ayaw raw makisabay ni Matteo Guidicelli sa sunud-sunod na marriage proposals na nangyayari sa show business.

Kamakailan lamang ay napabalita ang engagement ng longtime couples na sina Iza Calzado at Ben Wintle at sina Rodjun Cruz at Dianne Medina.


Stories We Are Tracking

Iza Calzado is now engaged
Iza Calzado is now engaged
Rodjun Cruz is now engaged to longtime GF Dianne Medina
Rodjun Cruz is now engaged to longtime GF Dianne Medina

Marami na rin ang naghihintay kung kailan naman magpu-propose si Matteo, 27, kay Sarah, 29.

Pero ayon sa Kapamilya actor-singer, "Hindi ko pa alam.

"Huwag tayong magpadala sa uso.

"Tingnan natin, hindi ko pa talaga alam. Tingnan natin."

Nabanggit na noon ni Sarah na gusto niyang makasal siya sa edad na 30. 

Kung iisipin, isang taon na lang ito dahil 29 years old na ang Ultimate Pop Superstar.

Ngunit kahit mahigit tatlong taon na ang kanilang relasyon, nananatiling tikom ang bibig ni Matteo sa press tungkol sa usapang kasal.

Ulit niya, "Tingnan natin, tingnan natin.

"Hindi ko pa sure.

"Hindi dapat tayo ma-pressure dahil marriage life is something else.

"It's a great job, it takes a lot of level of maturity for the next life, so hindi naman ma-pressure."

Pero kung level of maturity at economic stability ang pinag-uusapan, ayon sa karamihan ay mayroon na pareho sina Matteo at Sarah nito.

Pero ayon kay Matteo, "Tingnan natin, hindi ko pa alam.

"Wala namang duda, pero let's see what happens."

Hindi kaya dahil may iba pa siyang gustong gawin sa kanyang sarili, kaya ayaw pa niyang lumagay sa tahimik?

Tugon ni Matteo, "Hindi naman, hindi naman.

"Marami... marami. It's just marami na [bagay na] we have to fix before doing that.

"Hindi naman sa ganyan, we'll see what happens."

Pero masaya raw siya para sa mga showbiz personalities na engaged to be married na sa kanilang respective partners.

Aniya, "That's very nice and I'm very happy for all of them.

"I'm very happy for all my friends who've got proposed [to] and are getting married soon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It's such a happy news and [I'm] pretty excited for them."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matteo sa grand media launch ng pelikulang The Ghost Bride, na ginanap sa Uno Seafood Wharf, Binondo, Manila, noong October 17.

Ang pelikulang ito ay ang Halloween presentation ng Star Cinema sa direksiyon ni Chito Roño.

 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN