Jon Lucas wants to save money for late mom's mausoleum

IMAGE Allan Sancon

Ayon kay Jon Lucas, mas lalo siyang magsisipag sa trabaho dahil kahit wala na ang kanyang ina, pag-iipunan niya ang magandang libingan nito. 


Mag-iisang buwan na mula nang pumanaw ang ina ni Jon Lucas na si Jean Lucas noong September 22.

Kasabay nito ang isang buwan ding pamamahinga ng 22-year-old actor-dancer bilang miyembro ng all-male group na Hashtags, na regular na napapanood sa ABS-CBN noontime program na It’s Showtime.

Sa eksklusibong panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jon sa premiere night ng Bes And The Beshies, noong Martes, October 17, sinabi nitong hindi inaasahan ng kanilang pamilya ang pagpanaw ng ina.

Lahad niya, “Si Mommy po kasi, kapag may nararamdaman po, mas gusto niyang nililihim sa amin. Para hindi na lang po kami mag-alala.

“So, kahit may nararamdaman siya, ipinapakita po niya sa amin na okay lang po siya.

“Kaya biglaan lang po yung nangyari… hindi ko man lang napa-checkup, hindi ko man lang napaano.

"Pero may iniinom na po siyang maintenance na gamot."

Pangarap daw ni Jon noon na kapag makaipon ay bibilhan niya ng magandang bahay ang ina.

Pero ngayong wala na ito, balak ni Jon na ipaayos ang puntod na pinaglagakan ng mga labi ng ina. 

“E, sabi ko nga, hindi niya na po makikita. Pag-iipunan ko na lang po yung ano…

"Si Mommy po kasi, nakalibing lang ngayon... yung parang sa lupa.

"Sabi ko, pag-iipunan ko yung parang mauseleo, ilalagay ko siya sa bahay."


Stories We Are Tracking

Hashtags member Jon Lucas's mother passes away
Hashtags member Jon Lucas's mother passes away

NO RIVALRY. Pagdating naman sa trabaho, unti-unti nang nagkakapangalan ang ilang miyembro ng Hashtags. Ilan sa kanila ay sina Ronnie Alonte at McCoy de Leon.  

Katatapos lamang ng seryeng kinabibilangan ni Ronnie, ang A Love To Last; samantalang kasalukuyan namang umeere ang The Good Son, kung saan kasama si McCoy.

Nagkakaroon ba ng inggitan sa kanila?

Pagtanggi ni Jon, “Hindi naman po. Sa akin po, sa part ko, never po ako nainggit.

"Sa totoo, masaya po ako sa mga nangyayari sa buhay nila.

“Kasi, yun naman yung pangarap ng bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, kapag may mga pangarap na natutupad, e, sana maging masaya na lamang po tayo sa mga kagrupo natin.

“And si Ronnie at McCoy," patuloy niya, "kahit na sobrang sikat na, si McCoy, hindi po siya umaalis sa Showtime.

"And si Ronnie… ngayon po, si Ronnie, lagi po nasa Showtime uli.

“Siguro naging busy lang kasi nagkaroon ng teleserye, pero alam po nila kung saan sila nanggaling.

“Lagi naman po nilang sinasabi na, kahit ano man ang mangyari, hindi talaga natin iiwanan ang Showtime.

"Kasi lahat po tayo, napansin dahil po sa Showtime.

"Ang laking bagay po ng Showtime sa buhay namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN