Kris Aquino admits to depression over lack of exposure

IMAGE Noel Orsal

Ayon kay Kris Aquino, dumaan siya sa depression at pag-aalinlangan na baka wala nang magbukas na oportunidad sa kanya. Malaki ang pasasalamat niya na kahit sa social media na lamang siya napapanood, may mga malalaki pa ring kumpanya ang patuloy na nagtitiwala.


Mahigit isang taon nang hindi napapanood nang regular sa telebisyon si Kris Aquino.

Ito ay matapos niyang umalis sa bakuran ng ABS-CBN, noong March 2016, pagkatapos ng 20 taon.

Bagamat nagpapatuloy naman siya sa kanyang hilig sa paghu-host sa pamamagitan ng social media, at may mga usap-usapan na rin tungkol sa pagbabalik niya sa telebisyon, wala pa ring konkretong plano tungkol sa TV career ni Kris.

Kaugnay nito, inamin ng 46-year-old TV host-actress na dumaan siya sa depresyon at takot.

Ito ay dahil naramdaman niyang tila nagsara na ang lahat sa kanya sa mundo ng telebisyon, kasabay ng pagtatapos ng termino ng kapatid na si Noynoy Aquino bilang Presidente ng Pilipinas noong 2016.

Sa kanyang post sa Instagram kagabi, October 19, naglabas ng saloobin si Kris tungkol sa pagkawala niya sa limelight at kung paano niya ito nalampasan.

Panimula niya, “Soul baring time- there was a period of time when I was depressed & scared that all doors were closing.

“My sisters were worried because I wasn’t me, I shut down, kept to myself because I didn’t want to burden them w/ my insecurities.

“My sons & I were financially secure BUT it was painful to not have a venue to continue doing what I love most- connecting w/ you & entertaining you...”

Unti-unti raw siyang bumangon mula sa matinding kalungkutan dahil nakahanap siya ng bagong kaparaanan upang magawa ang kanyang mga gustong gawin, sa pamamagitan ng digital world.

Saad ni Kris, “But God blessed me w/ a new team that restored my confidence... we chose to just keep going & not give up... And my sisters, sons, & i kept PRAYING.

"Today was a victory, because we signed a new endorsement & it is a perfect match for the new online platform we envisioned & continue to build.”

Dagdag pa niya, “Tomorrow i’m shooting a branded partnership w/ a new multinational pharma company.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Every day i thank God for sending people my way who believed we could survive the storms & embrace the beauty of life’s rainbows.”

Soul baring time- there was a period of time when i was depressed & scared that all doors were closing. My sisters were worried because i wasn’t me, i shut down, kept to myself because i didn’t want to burden them w/ my insecurities. My sons & i were financially secure BUT it was painful to not have a venue to continue doing what i love most- connecting w/ you & entertaining you... But God blessed me w/ a new team that restored my confidence... we chose to just keep going & not give up... And my sisters, sons, & i kept PRAYING. Today was a victory, because we signed a new endorsement & it is a perfect match for the new online platform we envisioned & continue to build. Tomorrow i’m shooting a branded partnership w/ a new multinational pharma company. Every day i thank God for sending people my way who believed we could survive the storms & embrace the beauty of life’s rainbows. ???? Good night & THANK YOU for making me feel #LOVED. May God also give you hope to trust in Him through every chapter of your life. ??????

A post shared by ???????? Kris Aquino (@krisaquino) on

“I REFUSE TO BE BULLIED…” Sa comment section ng kanyang Instagram post, may isang basher ang pinatulan ni Kris.

Komento ni @lucyborb, dapat daw ibigay na sa ibang Pilipino na mas may talent ang pagkakataong sumikat.

Itigil na rin daw ni Kris ang mga "drama" niya sa buhay.



Dagdag pa ng netizen, bakit daw nai-insecure pa rin si Kris kung nasa kanya na ang lahat. 


Buwelta ni Kris, nananatili siyang nakatayo at pinagkakatiwalaan ng maraming malalaking kumpanya dahil sa kanyang sipag at talento.

Hindi naman daw nakaapekto sa kanyang pagiging multimillion-peso endorser kung saang panig ang pulitika niya.

Diin pa niya sa huli, "This FEED is my territory & i REFUSE to be bullied where I have only tried my best to show respect & inspiration."




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN