Barbie Forteza reveals her favorite part of boyfriend Jak Roberto's body

IMAGE Noel Orsal

Barbie Forteza says boyfriend Jak Roberto is not jealous of her leading man Ken Chan. "Alam niya yun. Dyusko, Meant To Be pa lang, alam na niya na trabaho yun, at matagal na kaming magkaibigan ni Ken," says the Kapuso actress.


Halatang-halata ang kaligayahan ngayon ni Barbie Forteza.

Maganda ang takbo ng kanyang career, maging ang kanyang personal na buhay.

"Puwera-usog, ang saya ko ngayon!" sambit ng 20-year-old Kapuso star.

Masaya rin si Barbie dahil nagkakasundo sila ng boyfriend niyang si Jak Roberto.

Aniya, “Sobrang effort siya. And iisa ang takbo ng isip namin.

“Kaya kahit sobrang random ang pinag-uusapan namin, nagki-click pa rin.

“Halos lahat… abs lang ang hindi,” pagbibiro pa ni Barbie.

Dahil nabanggit niya ang abs ni Jak, 23, tinanong namin kung hindi ba siya nai-inspire sa ganda ng katawan ng kanyang boyfriend.

Pag-amin naman ni Barbie, “Nai-inspire ako.

“Pero hindi pa rin, e. Kasi, ang hirap bumangon sa kama, e.

“Sabi niya, ‘Gumising ka na diyan.’”

Ano naman ang paborito niyang parte ng katawan ni Jak?

Tugon ni Barbie, “A, yung lips.”

Yung abs?

“Hindi, asset niya yun.

“Hindi ko naman nakikita yung abs niya.

“Nakadamit naman siya kapag magkasama kami.

“So, mas madalas ko siyang nakita na nakadamit.

“Sa pictures? Oo nga, minsan gusto ko nang abutan ng damit, ‘Magbihis ka nga!’” natatawa niyang sabi.

Bilang girlfiend, proud ba siya sa pagiging hunky ni Jak?

Tugon ni Barbie, “Nakaka-proud, kasi yun naman ang image niya.

“Name-mantain naman yun, so proud ako. Okey naman.”

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto) on

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa grand media launch ng pelikula nila ni Ken Chan, ang This Time I'll Be Sweeter, na ginanap noong October 16, 

HABA NG HAIR! Pakiramdam ni Barbie ay lalong humaba ang buhok niya sa mga sinabi ni Ken tungkol sa kanya.

Lalo na ang pag-amin ng 24-year-old actor na hindi pa man sila magkalapit sa isa't isa ay pangarap na niya itong makasama, lalo na sa isang music video kung sakaling mabigyan siya ng pagkakataon.

Nakangiting reaksiyon dito ni Barbie, “Una niyang sinabi 'yan noong interbyuhin kami para sa 24 Oras noong mag-shoot kami sa school.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagulat naman ako kasi nakaka-relate ako sa kanya.

“Noong bata pa naman ako, nag-i-imagine din ako, e.

“Pero ako kasi, mga Hollywood [stars] ang ini-imagine ko, e.

“Kaya nagulat ako nang si Ken Chan, ako ang nasa isip niya.

“Nakakatuwa naman, nakaka-flatter.”

My love, he makes me feel like nobody else. #KenBieSweeterMovieTour @regalfilms50 @bnyjeansph

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Ano naman sa tingin niya ang reaksiyon din ng kanyang boyfriend na si Jak?

Ayon kay Barbie, “Wala. Nagkasama pa nga sila [Ken at Jak] sa Singapore sa isang show.

“Alam niya yun. Dyusko, Meant To Be pa lang, alam na niya na trabaho yun, at matagal na kaming magkaibigan ni Ken.”

Ang Meant To Be ang dating primetime series ng GMA Network na pinagbidahan nina Barbie, Ken, at Jak, kasama sina Ivan Dorschner at Addy Raj.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN